Pagbubukas ng PBA, malapit na

Pagbubukas ng PBA, malapit na

June 7, 2021 @ 12:00 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Maghihintay umano ang PBA hanggang June 15 para malaman kung magkakaroon ng pagbabago sa quarantine classification para maitakda na  kung kailan bubuksan ang PBA 46th Season.

Ayon kay Commissioner Willie Marcial, ibabase nila ang susunod na hakbang ng PBA kapag nadesisyon na ang gobyerno kung babaguhin o pananatiliin ang general community quarantine (GCQ) status na kasalukuyang ipinatutupad sa NCR Plus.

“We’re just waiting to see what the status will be on June 15,” ani Marcial.

Kung magdedesisyon umano ang Malacañang na panatiliin ang NCR Plus bubble sa ilalim ng GCQ, target nilang ibalik ang team scrimmages sa Metro Manila.

Umaasa ang PBA na pagtapos ng June 15 ay makakukuha nila ang approval mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) na simulan ang season bago matapos ang June o sa simula ng July.

Matatandaang nitong mga nakaraang araw ay sinabi ni Marcial na target nilang sa Ynares Center sa Antipolo or sa Ynares Sports Arena sa Pasig gawin ang PBA.

“I’ll write again and present again to the Task Force on June 15,” wika ni Marcial. ” I don’t want to give a specific date. But we’re targeting the last week of June or the first week of July.”

Sa ngayon, siyam na team ang nag-eensayo sa magkakahiwalay na lokasyon sa probinsiya ng Batangas habang ang TNT at Meralco ay nasa Laoag at NLEX, sa Clark.

“We’ve been practicing for about three to four weeks now, and so far everything is smooth sailing,” kwento nito.