Pagbubukas ng sesyon sa Senado sinalubong ng COVID; sarado ulit

Pagbubukas ng sesyon sa Senado sinalubong ng COVID; sarado ulit

January 18, 2022 @ 7:11 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Matapos ang mahabang Christmas break na sinundan ng lockdown mula Enero 10 hanggang 16 dahil sa COVID, nagbukas muli ang sesyon dito nitong Lunes, Enero 17.

Pero sinalubong muli sila ng hawaan ng COVID-19 sa Senate employees kaya naman iniatas ni Senate President Vicente C. Sotto III ang muling pagsasara ng Senado simula Martes, Enero 18.

“We want to allow COVID-19 surge to simmer down,” paliwanag ni Sotto matapos na magpositibo ang nasa 88 onsite staff.

Ang nasabing panibagong lockdown ay tatagal mula Enero 18 hanggang 23.

Sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na mayroong 88 active cases “plus a number of those under Home Quarantine that are around 196 in total,” ang naitatalang hawaan sa Senado.

Magsasagawa ng disinfection sa mga opisina sa Senado sa nasabing lockdown. RNT