Red tide itinaas sa 6 lugar

April 17, 2021 @12:00 PM
Views:
10
Manila, Philippines – Binalaan ang mga residente sa pagkain ng mga shellfish mula sa anim na lugar sa bansa dahil sa positibo ito sa paralytic shellfish poison (PSP).
Tinukoy rito ang Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Tambobo Bay sa Siaton, Negros Oriental; coastal waters ng Calubian sa Leyte; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Balite Bay sa Mati City, Davao Oriental; at Lianga Bay at coastal waters sa Hinatuan sa Surigao del Sur.
Samantala, ligtas namang kainin ang mga isda, posit, hipon, at alimasag ngunit kailangang hugasan mabuti bago lutuin.
Samantala, idineklara naman ang Cancabato Bay sa Tacloban City, Leyte na wala nang toxic. RNT/FGDC
Joke na kamukha ni Spox Roque si James Reid, epekto raw ng COVID-19!

April 17, 2021 @11:47 AM
Views:
19
Manila, Philippines – Obyus na isang malaking biro o joke lang ang Facebook post ni Presidential Spokesperson kamakailan ang paghahalintulad niya kay James Reid.
Kunwari ay may kausap siyang saleslady na pinagtanungan kung magkano ang salamin, pero reflection niya ang makikita roon na may hawig daw sa batang aktor.
Pero sa dulo ng post ni Roque ay may #KalmaLangAkoTo.
Hindi ‘yon nagustuhan ng mga netizens na nag-comment na nabuang na o higit pa raw sa nabuang ito. Kesyo epekto raw ng pagkakaroon ng COVID-19 ang halusinasyon nitong kamukha niya si James Reid.
Matatandaang laging sinasalag ni Roque ang ilang mga pahayag ni Pangulong Duterte dismissing them as jokes na hindi dapat sineseryoso.
In fairness to Roque, may karapatan din siyang magbiro lalo’t hindi naman nakakapanakit ang kanyang patawa. Ronnie Carrasco III
DILG wala pang reklamong korapsyon na natatanggap sa ECQ aid

April 17, 2021 @11:34 AM
Views:
19
Manila, Philippines – Hindi pa natatanggap ng Department of the Interior and Local Government ang mga reklamo tungkol sa maanomalyang pamamahagi ng ayuda.
Sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya na nakikipag-ugnayan na sila sa Presidential Anti-Corruption Commission para sa sinasabing mga iregularidad.
Maaalalang naunang sinabi ni PACC chairman Greco Belgica na nasa 8,000 na ang natanggap nilang reklamo.
“Kami po ay nakikipag-ugnayan na sa PACC tungkol sa complaints na natanggap na nila. Kami po ay nabahala rin na umabot na sa 8,000 ang reklamo ang kanilang natanggap.”
“Hindi po malinaw sa amin kung anong reklamo ito. So far ang natatanggap namin ay hindi tungkol sa anomalya or corruption,” saad ni Malaya.
Sa report, makatatanggap ng P1,000 hanggang P4,000 na ayuda ang mga residenteng apektado ng NCR+ sa ipinatupad na ECQ. RNT/FGDC
Pagbubukas ng LRT-2 East extension ipinagpaliban sa June 23

April 17, 2021 @11:21 AM
Views:
21
Manila, Philippines – Ipinagpaliban ang pagbubukas ng Light Railway Transit 2 station sa June 23 dahil sa kinakaharap na COVID-19 pandemic ng bansa.
“The schedule adjustment was made following recent developments in the country’s COVID-19 situation despite the project already being substantially complete,” saad ng pamunuan.
“It was decided to reset the inauguration date to protect the health and safety of rail workers and the riding public,” dagdag pa ng DOTr.
Sa ulat, magkakaroon ang LRT-2 ng dalawang istasyon sa Marikina City at Antipolo sa Rizal.
Makapagsasakay rin ito ng 80,000 pasahero kada araw. RNT/FGDC
Open areas pwedeng gawing vaccination sites – Galvez

April 17, 2021 @11:08 AM
Views:
23