Pagbubuntis ni Kylie kay Gerald, fake news!

Pagbubuntis ni Kylie kay Gerald, fake news!

August 24, 2022 @ 8:32 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Kung hindi ka marunong kumilatis ng isang balita, tiyak na isa ka sa mga naniniwalang buntis si Kylie Padilla kay Gerald Anderson.

May mga video kasi na kumakalat at may voice over pa na nagsasabing isang buwan nang buntis si Kylie sa kanyang leading man na si Gerald.

Magkasama sila sa pelikulang Unraveled.

Nagkadebelopan daw ang dalawa during the filming in Switzerland.

At sinasabing si Kylie ang dahilan ng paghihiwalay ni Gerald at ng nobyang si Julia Barretto.

Ayon kay Kylie, binansagan niyang fake news ang kumakalat.

Hindi nga raw niya alam kung matatawa o maiinis siya.

May ilan ang agad na naniwala, at ito ang ikinababahala ng Kapuso actress.

Sa interbyu sa kanya na umere sa 24 Oras, medyo nakatawa pang sabi ni Kylie na, “Ang worry ko lang kasi, baka may maniwala.”

It seems na in-anticipate na rin naman ni Kylie ang nasabing intriga dahil back to being single siya.

Nagkataon pang kailangang paingayin ang finale week ng sportserye niyang Bolera sa GMA.

Pero minsan nang nilinaw ni Kylie na bukod sa trabaho, top priority niya ang kanyang dalawang anak sa estranged husband na si Aljur Abrenica. Ronnie Carrasco III