Pagbuhay sa F2F legislation ng Kamara suportado ni Rep. Garin

Pagbuhay sa F2F legislation ng Kamara suportado ni Rep. Garin

September 20, 2022 @ 7:15 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Bilang pagpapakita sa publiko na balik na sa normal ang bansa, pabor si House Appropriations Committee Vice Chairman at Iloilo Rep Janette Garin na tanggalin na ang hybrid session sa House of Representatives at magkaroon na ng face to face legislation.

Ayon kay Garin magiging maganda sa ekonomiya ng bansa kung makikitang “back to normal” na ang trabaho sa mga pangunahing tanggapan ng gobyerno pangunahin na sa Kamara na may 311 district representatives at partylist.

“This would also strengthen our country’s recovery from the pandemic,” paliwanag ni Garin.

Ang pahayag ay ginawa ni Garin kasunod ng naging manifestation ni Albay Rep. Edcel sa House Plenary na tanggalin na ang hybrid session sa Kamara at ibalik na ang face to face legislation.

“Itong hybrid session ay during the pandemic, kasasagan ng pandemic,eh ngayon ang severity ng pandemic wala na kaya palagay ko kailangan na ng face to face legislation. Face to face classes na nga eh ,sa Senate wala nang hybrid, physical presence na ang quorum at voting,” paliwanag n ni Lagman.

Aminado si Lagman na mahirap din ang hybrid lalo at hindi mavalidate ang presensya ng mga mambabatas na nasa zoom.

“Mahirap ivalidate sa zoom sapagkat ang nangyayari sa simula nasa zoom later wala na o posible nag-instruct lang sa staff na i-link sila sa zoom pero wala naman sila kaya we need physical presence for the purpose of quorum and voting,” dagdag pa ng mambabatas.

Ipinaliwanag ni Lagman na sa ngayon ay nasa Rules pa ng Kamara na pumapayag para sa hybrid session subalit umaasa sya na pagkaraan ng halloween break ng Kongreso ay maamyendahan na ang rules.

Setyembre 30 ang simula ng break ng Kamara at sa Nobyembre 6 na ang balik ng sesyon.

Ang hybrid session ay inadopt ng Senado at Kamara noong Mayo 2020 kung saan ilang mambabatas ang nasa session hall habang ang iba ay pinapayagan na makapagpartisipa sa proceedings sa pamamagitan ng email, teleconferencing o messaging apps. Gail Mendoza