Pagbuhay sa salt industry itinutulak sa Kamara

Pagbuhay sa salt industry itinutulak sa Kamara

October 25, 2022 @ 4:39 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara ni Agri Partylist Rep Wilbert Lee na nagsusulong ng pagtatag ng isang Task Force na tututok sa problema at sa pagpapalakas muli sa Salt Industry ng bansa.

Layon ng House Bill 5676 o Philippine Salt Industry Development bill ni Lee na magkaroon ng Philippine Salt Industry Development Task Force na syang mangangasiwa sa pagbuo ng Philippine Salt Industry Development Roadmap na syang magsisilbing gabay para sa local salt production industry.

“This bill seeks to lessen our reliance on imports by providing our local salt stakeholders with ample support and protection so they can develop. We recognize that this is a long-term task, that is why we need a roadmap that will take us step by step through the years. But we have to start now. The roadmap shall include programs, projects and interventions for the development and management, research, processing, utilization, business development, and commercialization of Philippine salt,” pahayag ni Lee.

Ipinaliwanag Lee na pangunahing mandato sa isinusulong nyiang panukala ay kilalanin ang asin bilang aquatic resource, sa ganitong paraanay mangangsiwaan ito ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kaya naman kasabay ng mga programa ng ibang aquatic resources ay mapapangalagaan din ang asin.

“Another key feature of the bill is the promotion of alternative methods and techniques of salt farming that allow year-round production of salt even under erratic weather patterns,” paliwanag ni Lee.

Sa ilalim ng panukala ay P1 bilyon ang ilalalan sa pondo para sa Research and Development.

Sinabi ni Lee na ang Pilipinas na isang archipelago na may pinakamahabang shorelines sa buong mundo kaya mayaman sa asin subalit nakalulungkot na 93% ng pangangailangan ng bansa sa asin ay pawang inaangkat.

Sa datos ng Philippine Chamber of Agriculture and Food, Inc. (Pcafi) nasa 550,000 metric tons ng asin ang inaangkat kada taon.

“This is a great tragedy because we are an archipelago with one of the longest shorelines in the world, yet we rely on other countries for an ingredient that is deeply ingrained in our life,” ani Lee.

Tinukoy ni Lee na ilan sa dahilan kung bakit hindi mapalakas ng bansa ang salt farming ay dahil na rin sa pollution, coastal erosion at iba pang isyu sa kalikasan at climate change kung saan ilang coast ang ginawa nang tourism attraction at wala nang magawang salt production.

“Hindi rin naging sapat ang aksyon ng pamahalaan para tugunan ang mga hinaing ng salt industry, kaya halos walang incentive para sa mga nais pumasok dito. Hindi pwedeng magpatuloy ang sitwasyon sa salt industry na tayo lagi ang talo. We must flip the script para maging Winner Tayo Lahat,” pagtatapos pa ni Lee. Gail Mendoza