Pagbuo ng Geriatric Research Institute oks na sa Kamara

Pagbuo ng Geriatric Research Institute oks na sa Kamara

February 1, 2022 @ 12:54 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Pasado na sa Kamara ang House Bill 10797 o panukalang pagbuo ng National Center for Geriatric Health and Research Institute (NCGHRI) na mag-eestablisa ng mga medical facilities at geriatric specialty centers sa mga rehiyon sa bansa.

Ang Geriatric ay isang branch of medicine na nakatuon sa health care ng mga senior citizens sa pamamagitan ng pagtutok sa kanilang mga diseases at disabilities.

Ayon kay House Committee on Health Chairperson Angelina Tan sa ilalim ng panukala anh NCGHRI ay aatasan na magestablisa, operate, equip at magmantina ng maintain medical institution na ang specializition ay geriatric health services.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, pangunahing may akda ng panukala na kung mayroong specialized geriatric care ay mas mababawasan ang hopital stay at gastos ng mga matatanda

“It will lower the average length of hospital stay among elderly patients from 7.3 days to 6.7 days, minimize hospital costs to around PHP50,000 per patient, and improve the overall care of senior citizens.
A hospital specializing in geriatric care can help bridge the persistent shortage of geriatricians in the Philippines since it can become a training ground for doctors who seek to pursue a specialization in geriatric health”paliwanag ni Velasco.

“This bill seeks to make the country’s commitment to universal health care more genuinely felt by the elderly population and give our almost 10 million senior citizens the quality healthcare they rightfully deserve,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng panukala ay magkakaroon ng
Income retention ang NCGHRI sa mga kinita nito para mailaan sa kanilang maintenance and other operating expenses at capital outlay requirements.

Gagawing exempted din sa anumang taxes ang lahat ng donations, contributions, grants, bequests o regalo cash man o in kind na matatanggap ng NCGHRI sa kanilang mga donor o kinita upang magamit sa kanilang operasyon. Gail Mendoza