Pagbuo ng Negros Island Region sa Visayas umusad na sa Kamara

Pagbuo ng Negros Island Region sa Visayas umusad na sa Kamara

March 2, 2023 @ 7:30 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Pasado na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ag panukalang pagbuo ng Negros Island Region (NIR) sa Visayas.

Ang pagbuo ng NIR ay isa sa priority bills ni Pangulong Bongbong Marcos na kanyang nabanggit sa kauna unagang State of the Nation Address(SONA).

Sa ilalim ng HB No. 7355, ang NIR ay bubuuin ng Negros Oriental, Negros Occidental, Siquijor at Bacolod City,

Sa oras na maisabatas ay isang Technical Working Group ang mangangasiwa sa pagdevelop ng NIR.

ā€œThe TWG shall formulate strategic plans to put in place the institutional arrangements for the NIR; recommend to the Office of the President the preferred location of the Regional Center; arrrange the requirements for the organizational development, staffing, and budgeting of regional line and regulatory agencies, as well as the imperatives for development planning and investment programming,ā€ nakasaad sa panukala.

Ang TWG ay bubuuin ng kinatawan mula sa Office of the President, Department of Budget and Management, Department of the Interior and Local Government, at mga kinatawan mula sa Office of the Governor ng Negros Oriental, Negros Occidental, Siquijor at Bacolod City. Gail Mendoza