Pagbuo ng Philippine High School for Sports lusot na sa Senado



Pagbuo ng Philippine High School for Sports lusot na sa Senado

February 26, 2020 @ 7:35 PM 1 year ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado, ngayong Miyerkoles, Pebrero 26, ang panukalang nagpapalikha sa Philippine High School for Sports (PHSS), isang educational institution na nakadisenyo para sa mga estudyanteng Filipino na nagnanais na magkaroon ng “long-term career in sports.”

 

Sa 21 senador na present sa session, wala dito ang kumontra sa sa Senate Bill No. 1086, na inaasahang “ensure an alternative and equitable admission process to enhance the access of indigenous peoples, persons with disabilities, and students from other marginalized groups” sa specialized school.

 

Sa ilalim ng panukala, ang PHSS ay itatayo sa New Clark City sa Capas, Tarlac kung saan ang mga estudyante “shall have access to existing sports facilities” sa lugar na ginamit bilang venue sa ilang palaro sa 30th Southeast Asian Games.

 

Nakapaloob naman sa taunang budget ng Department of Education ang pondo sa pagpapatayo ng PHSS, ayon pa sa panukala.

 

“All income and monetary donations” na ibingay sa academic institution ay ilalagak sa Sports High School Fund, na mahigpit na imomonitor ng government budgeting, accounting at auditing rules, saad pa rito.

Sen. Sherwin Gatchalian, who authored and sponsored the measure, earlier said the secondary school will offer full or partial scholarships with “special emphasis on developing the athletic skills of the students.”

Nauna namang sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na may akda at nag-isponsor sa panukala na maaring mabigyan ng full o partial scholarship sa secondary school na may “special emphasis on developing the athletic skills of the students.”

 

“Mama-maximize natin ‘yung mga pasilidad na ipinatayo na sa New Clark City. Kung ‘di natin gagamitin ‘yun, masasayang. If you want world-class athletes, let them experience world-class facilities,” ani Win. Remate News Team


  •  
  •  
  •