Pagbuo ng Sierra Madre Development Authority inihain sa Kamara

Pagbuo ng Sierra Madre Development Authority inihain sa Kamara

July 15, 2022 @ 8:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kasunod ng pangako ni Pangulong Bongbong Marcos na prayoridad sa kanyang administrasyon ang pagtutok sa isyu ng climate change, isang panukala ang inihain kahapon sa House of Representatives na nagsusulong ng pagbuo ng isang government body na mangangasiwa sa pangangalaga ng 500km Sierra Madre Mountain Range sa hangarin na rin na maiwasan na ang pagbaha sa Luzon.

Sa ilalim ng House Bill 1972 ay bubuo ng Sierra Madre Development Authority (SMDA) na syang magbabalangkas ng programa para sa conservation, improvement, exploration, development at maintenance ng Sierra Madre Mountain Range.

Ayon kay Rizal Rep Fidel Nograles, may akda ng panukala, na ang SMDA din ang syang mangunguna sa kampanya laban sa illegal logging sa lugar at magpopromote ng reforestation.

Iginiit ng solon na malaki ang pangangailangan na mapangalagaan ang Sierra Madre Region lalo at nandito ang 68 Protected Areas na kinabibilangan ng national parks, watershed forest reserves, natural monuments, marine reserves at protected landscapes at seascapes.

“The onset of the rainy season should serve as a stark warning for us in Congress that climate change is not an issue that will go away. We need to confront it head-on and seek to craft legislation that would comprehensively address the myriad issues surrounding it,” ani Nograles.

Aminado si Nograles na ang buong Rizal Province ang syang unang apektado kapag nasira ang Sierra Madre kaya naman isinusulong nito ang panukala.

“I hope that with Pres. Bongbong Marcos vowing to prioritize climate change, the House leadership will follow and place this issue at the top of our legislative agenda. The effects of climate change sweep far and wide and affect all sectors of society and governance, so we cannot simply turn a blind eye,” pagtatapos pa ni Nograles. Gail Mendoza