Pagbuo sa ikatlong probinsya sa Negros, ‘diversionary tactics’ – mayor

Pagbuo sa ikatlong probinsya sa Negros, ‘diversionary tactics’ – mayor

February 5, 2023 @ 12:22 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni San Carlos City, Negros Occidental Mayor Renato Gustilo nitong Biyernes, Pebrero 3, na diversionary tactic lamang ang panukala ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo na bumuo ng ikatlong probinsya sa isla ng Negros.

Ani Gustilo, binubuo na ang isang translink highway na magpapabilis sa biyahe mula San Carlos at Bacolod, kung kaya’t hindi na kailangan pang magtatag ng isang bagong probinsya.

“Degamo is really wise to divert the attention away from the creation of the NIR (Negros Island Region),” sinabi ng alkalde.

Sa pakikipagpulong ni Degamo kay Negros Occidental Gov. Eugenio Jose Lacson noong Miyerkules, Pebrero 1, kabilang dapat ang apat na probinsya sa bagong rehiyon upang masiguro ang equal voting sa Regional Development Council (RDC) meetings.

Sa panukalang batas na nakabinbin sa Kongreso, makakasama sa pagbuo ng bagong rehiyon ang Negros Occidental, Negros Oriental, at Siquijor.

Dahil dito ay nais ni Degamo na ang bagong rehiyon ay magkakaroon ng apat na probinsya, kung kaya’t nais nito na magtatag ng bagong probinsya sa isla mula sa Vallehermoso sa Negros Oriental hanggang sa Escalante City, Negros Occidental.

Sinabi naman ni Gustilo na ang pagtulak ni Degamo para maging bagong probinsya ang Vallermoso ay dahil hindi siya sinuportahan ng mga tao doon na maging gobernador.

“The question is are we ready for that (third province)? It takes a lot of study to create a new province,” ani Gustilo. RNT/JGC