Pagbuo sa Maharlika fund napapanahon na – Pangandaman

Pagbuo sa Maharlika fund napapanahon na – Pangandaman

December 14, 2022 @ 5:37 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Napapanahon na para bumuo ang bansa ng sariling sovereign wealth fund.

Ito ang sinabi ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman nitong Miyerkules, Disyembre 14 kasabay ng Kapihan sa Manila Bay.

Ani Pangandaman, sa kabila ng suliranin sa ekonomiya sa mundo, magandang pagkakataon na magkaroon ng Maharlika Investment Fund (MIF) lalo pa at nirebisa na rin ng mga mambabatas ang panukala upang tugunan ang kritisismo ng publiko.

“Sinasabi natin it’s high time to have one. So for me, let’s just follow the process. Any measure, program, law that will help our budget, given our limited space right now, is welcome news for me,” sinabi ni Pangandaman.

Matatandaan na inalis ang Social Security System at Government Service Insurance System na pagkukuhanan ng pondo para rito, dahil sa panganib na maapektuhan pa ang pension funds ng mga miyembro nito.

Ani Pangandaman, mapoprotektahan naman laban sa korapsyon ng internal at external auditors, advisory council at Kongreso ang MIF.

“When I saw it, kulong na kulong naman ang pondo na ito, pwede na to magamit. I think it’s present. We don’t have to be so scared,” giit niya.

Suportado rin umano ng international think tank sa isang pag-aaral, ang pagbuo sa naturang wealth fund.

“Milken Institute of Singapore–they will soon release a report. I think their report will say that the time is now. We don’t have to wait for it and to start and create our own sovereign wealth fund,” sinabi pa ni Pangandaman.

Aniya, mayroong mahigit 100 bansa na may sovereign wealth funds at inihalimbawa pa ang Indonesia na bumuo ng sarilnig wealth fund sa kalagitnaan ng pandemya sa kapital na $5 bilyon na makalipas ang dalawang taon ay %22.5 bilyon na. RNT/JGC