Pagbusisi sa panukalang kakalos sa fixed term ng AFP officials, tiniyak ni Jinggoy

Pagbusisi sa panukalang kakalos sa fixed term ng AFP officials, tiniyak ni Jinggoy

January 16, 2023 @ 10:45 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Tiniyak ni Senator Jinggoy Estrada nitong Linggo sa publiko na bubusisiin ng Senado ang panukala na target alisin ang fixed term para sa ilang Armed Forces of the Philippines (AFP) officials.

Sinabi ito ni Estrada — pinuno ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification, and Reconciliation — kasunod ng pag-anunsyo na itinakda sa January 17 ang hearing sa nasabing panukala.

“I would like to disabuse the mind of the public that this is being taken up to quell any destabilization plot or address supposed discord within the military. Having been certified as urgent by the President, the Senate is duty-bound to take up the measure for immediate consideration,” pahayag ni Estrada.

Binanggit din niya na ang panukala, Senate Bill No. 1601, na inihain mismo ni Estrada, ay iminungkahi noong Dec. 6 — bago pa ang ulat ng umano’y destabilization plot sa AFP.

Nilalayon ng panukala na amyendahan ang Republic Act 11709 o batas na naggagawad ng three-year fixed term para sa key AFP officials, kabilang ang chief of staff.

“I was not a member of the Senate when this was passed. We will invite the ranking officials to the committee hearing and hear their position or stand on the issue,” anang senador. RNT/SA