Pagbuwag sa mga frat na sangkot sa hazing deaths, hirit ng PAO chief

Pagbuwag sa mga frat na sangkot sa hazing deaths, hirit ng PAO chief

March 2, 2023 @ 5:12 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Dapat buwagin ng pamahalaan ang mga fratenity na nagsasagawa ng nakamamatay na welcoming rites, ayon sa chief public attorney.

Isiniwalat ni Persida Acosta sa briefing sa nitong Huwebes ang panibagong kaso na nag-uugnay sa kontrobersyal na Tau Gamma Phi, ang parehong vfraternity na sangkot sa pakamatay ng Adamson student noong Pebrero, sa iba pang insidente ng fraternity-related death kamakailan.

Sinabi niya na humantong din sa kamatayan ang kapalaran ng 20-anyos na si Ronnel Baguio, isang estudyante sa lalawigan ng Cebu, noong Disyembre 2022 sa mga kamay ng mga miyembro ngTau Gamma Phi.

“Ang i-abolish ‘yung fraternities na pumapatay at nakapatay, automatically terminated ang registration sa SEC (Securities and Exchange Commission),” pahayag ni Acosta.

“Kung ang batas ay obsolete na, dapat naa-amend. Pwedeng mag-form ng association na friendly, promotes brotherhood, not murder or homicide,” dagdag niya.

Samantala, iginiit naman ni Deputy Minority leader Rep. Bernadette Herrera-Dy, co-author ng Anti-Hazing Act, na hindi siya pabor sa pagbuwag sa mga fraternity.

“We cannot generalize that all other organizations are bad because just one fraternity violated the anti-hazing law because there are a lot of fraternities and sororities who really contribute to the welfare of our country,” pahayag niya.

Ayon naman kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin, isa sa mga may akda ng anti-hazing law, bagama’t nagulat umano siya sa balita na kinasasangkutan ng Tau Gamma Phi, lahat ng Pilipino ay may karapatan umano na umanib sa samahan sa ilalim ng Konstitusyon.

“Therefore, we cannot just say they should be banned,” aniya.

Samantala, batay sa autopsy report mula sa Cavite Provincial Crime Laboratory, namatay si Salilig mula sa “severe blunt force trauma to the lower extremities.”

Nakumpleto ang autopsy noong Pebrero 28, sa parehong araw na natagpuan ang bangkay ni Salilig na nakabaon sa isang bakanteng lote sa Imus City, Cavite.

Isinalawaran ang mga labi ng biktima sa nasabing autopsy na naaagnas na.

Naobserbahan din ang hematomas sa kanyang bangkay, partikular sa kanyang dibdib at hita.

Inihayag ng Laguna Provincial Police Office na lumahok ang biktima sa initiation rites ng Tau Gamma Phi (Triskilion) fraternity sa Biñan, Laguna noong Feb. 18, sa parehong araw na naiulat na nawawala siya.

Positibo namang kinilala ng kapatid ang bangkay ni Salilig.

Nasa kustosiya na ng Department of Justice ang ilang indibdwal na sangkot sa insidete. Sumailalim din sila sa inquest proceedings bago kasuhan.

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamilya Salilig ang hustisya.

“John was a child, a brother, a friend, a classmate, and a son of this nation, with a bright future ahead of him,” anang Pangulo.

“It is not through violence that we can measure the strength of our brotherhood,” dagdag niya. “There should be no room for violence in our student organizations which our children consider family, and in our schools which they consider their second home.” RNT/SA