Pagbuwag sa MMDA, malabo – Ejercito

Pagbuwag sa MMDA, malabo – Ejercito

March 2, 2023 @ 8:18 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Kinontra ni Senate local government committee chairman JV Ejercito nitong Miyerkules, Marso 1 ang planong pagbuwag sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metro Manila Council (MMC) sa pangunguna ni MMMDA Acting Chairman Atty. Don Artes at MMC chairman San Juan Mayor Francis Zamora sa MMDA head office sa Pasig City nitong Huwebes para talakayin ang usapin ng abolisyon ng MMDA na iminungkahi ng isang mambabatas. (Larawan kuha ni Danny Querubin)

“It might be very difficult because Metro Manila is composed of 16 cities and 1 municipality. Lahat ito may kanya kanyang kaharian,” saad ng mambabatas sa isang panayam.

“At this time, it would be difficult to abolish MMDA right away, kasi mahihirapan sa traffic [pa] lang, yung coordination with other–sabi ko nga 17 republics…those are 17 kingdoms. So kinakailangan may mag-coordinate for them,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan, ang MMDA chairman ay itinatalaga ng Pangulo ng Pilipinas.

Nitong Lunes, Pebrero 27, ipinanawagan ni Manila Representative Joel Chua ang pagbuwag sa MMDA at sinabing wala itong awtoridad na magpatupad ng mga polisiya sa mga local government units (LGUs).

Nilabag din umano ng MMDA ani Chua ang Local Government Code at nagkaroon ng
duplication of the roles ng ibang ahensya ng pamahalaan.

Bilang pagpapatuloy, sinabi nito na ang mga metro-wide concerns at mga isyu ay mas mabuting matugunan ng konseho ng mga Metro Manila mayors o ng Metro Manila Council, at ang ibang tungkulin ng MMDA ay maipasa sa ibang ahensya ng pamahalaan.

Maghahain naman ng hiwalay na panukala para rito si Chua. RNT/JGC