Pagbuwag sa PACC pinanindigan ng Palasyo

Pagbuwag sa PACC pinanindigan ng Palasyo

July 9, 2022 @ 12:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nanindigan ang Malacañang nitong Biyernes sa nauna nilang desisyon na buwagin ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), at sinabing kinakailangan itong gawin sapagkat ito ay “not in line with streamlining efforts” ng Marcos administration.

Sa ilalim ng Executive Order No. 1 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., inililipat ang kapangyarihan at mga responsibilidad ng PACC sa Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs.

“First of all, it’s nature is investigative, which can also be conducted by the Office of the Ombudsman,” pahayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

“Usually what they do is they gather evidence on presidential appointees and then file a case before the Office of the Ombudsman, whereas people can file a case directly to the Office of the Ombudsman for investigation and later on preliminary investigation should it be a criminal case or full investigation with regards to administrative cases,” dagdag niya.

“In other words, there are government agencies that address this already so there is no further need for PACC,” patuloy ni Angeles.

Binuo ang PACC noong 2017 sa ilalim ng administrasyong Duterte “to directly assist the President in investigating and/or hearing administrative cases primarily involving graft and corruption against all presidential appointees.”

Halos apat na taon matapos ang pagtatalaga nito, inilunsad ng PACC ang “Project Kasangga: Aksyon Laban sa Korapsyon,” ang flagship anti-corruption na bumuo sa 49-member inter-agency coordinating council.

Ang National Anti-Corruption Coordinating Council ay may presensya sa lahat ng lebel ng pamahalaan.

Nauna nang inihayag ni dating PACC Commissioner Greco Belgica na dahil sa PACC, mas mataas ang kinita ng pamahalaan at nagbabala na ang pagbuwag nito ay maaaring humantong sa pagtaas ng corruption cases. RNT/SA