Pagbuwag sa private armies, paiigtingin – Abalos

Pagbuwag sa private armies, paiigtingin – Abalos

March 16, 2023 @ 10:26 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos nitong Miyerkules na sinisilip ng pamahalaan na buwagin ang mas maraming private armed groups (PAGs) sa bansa.

Isinasagawa ang programa ng gobyerno na pagbuwag sa PAGs sa pamamagitan ng security component ng normalization track sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro na nilagdaan ng Philippine government at ng Moro Islamic Liberation Front noong 2014.

“Itong DPAGS natin dito ngayon ay concentrated sa Mindanao because of the peace process that is why kami ni Defense Secretary Carlito Galvez kinausap namin ang mahal na Pangulo na baka pwedeng i-expand natin ito in areas to be determined na prevalent ang mga areas na ito sa presence ng mga DPAGS as determined by the Philippine National Police (PNP) and Armed Forces of the Philippines (AFP),” pahayag ni Abalos.

“There should be a mechanism, hindi naman lahat buong Pilipinas, pero idedetermine lang dahil once you do that ang ganda ng epekto. Nakita naman dito eh,” patuloy niya.

Nabuwag ng National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups ang hindi bababa sa anim na private armed groups sa Western Mindanao, batay sa pinakabagong datos ng task force.

Nitong December 2021, nilansag ng national task force ang 14 grupong nagkukuta sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Region 12. RNT/SA