Pagbuwag sa PS-DBM pinaburan sa Senado

Pagbuwag sa PS-DBM pinaburan sa Senado

September 5, 2022 @ 6:40 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinaburan ni Senador Francis Tolentino ang panukalang pagbubuwag sa Procurement Services ng Department of Budget and Management (PS-DBM) matapos itong masangkot sa multi-bilyong anomaly ng pagbili ng kagamitan sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan.

Kamakailan, iniimbestigahan ng Senado ang pagbili ng PS-DBM ng multi-bilyong halaga ng outdated at overpriced na laptops para sa public school teachers sa kasagsagan ng pandemya noong nakaraang taon.

“If you’re asking for my personal opinion and I can freely give it now, I am for the abolition of PS-DBM (Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM)),” ayon kay Tolentino.

Sinabi ni Tolentino na malamang walang badyet ang ahensiya sa 2023 dahil masyadong matagal ang pagbuwag dito base sa inihaing resolusyon sa paglusaw sa ahensiya.

Naunang iniulat ng Commission on Audit (COA) na bumili ng PS-DBM ng halagang P58,000 kada yunit ng laptop na pawang luma ang processor bukod pa overpriced na hindi tugma ang pangangangailangang teknikal ng Department of Education na umaabot lamang sa halagang P35,000 kada yunit.

Ayon kay Tolentino, itinakda ang susunod na pagdinig sa overpriced at outdated laptop sa Huwebes saka kumuha ng listahan ng tumanggap ng laptopd upang Makita kung nagamit ito sa naturang kondisyon.

“The burden of proof would now lie not just on the procuring entity but the end user as well. That is what we are trying to find out,” ayon kay Tolentino.

“Next hearing, I’m trying to secure the list of recipients of the laptops. Were they totally delivered? Were the end users able to utilize the laptops in the expected condition that would entail the right mode of classroom delivery?” dagdag niya.

Aniya, sangkot na naman dito si dating PS-DBM chief Lloyd Christopher Lao kahit ikinatuwiran nitong nasa pre-bidding stages lamang siya lumagda sa dokumento.

Sangkot din si Lao sa pagbili ng multi-bilyong overpriced na kagamitan sa panahon ng pandemya partikular ang face shield at face masks na binili ng Pharmally Pharmaceutical Corporation. Ernie Reyes