Pagbuwis sa Netflix, Spotify ‘anti-consumer’ – Zarate

Pagbuwis sa Netflix, Spotify ‘anti-consumer’ – Zarate

July 11, 2022 @ 4:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tutol si dating Bayan Muna Rep Carlos Isagani Zarate sa planong patawan ng 12% value added tax (VAT) ang mga online services at streamed entertainment content.

Ayon kay Zarate, ang pagpapataw ng buwis sa Netflix,Spotify, Lazada at iba pang kahalintulad na platform ay malinaw na anti consumer lalo pa at mangangahulugan ito na itataas ang subscription fees, service charges at maging ang presyo ng online products.

“This proposed tax is another measure that hits the poor and middle class more than the rich and big corporations. If the government really wants to increase its coffers, it should embark on a progressive tax system that taxes directly the rich and big corporations more rather than the poor,” ani Zaratem

Sinabi ni Zarate na sa halip na targetin ang mga platform kung saan maraming mga mahihirap at middle class ang gumagamit ay mas mainam na patawan ng 1 percent ang mga individual na kumikita ng P1M, maaari din na habulin ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na syang kumikita ng malaki. Gail Mendoza