Pagcor binira ni Gatchalian sa POGO-related kidnapping case

Pagcor binira ni Gatchalian sa POGO-related kidnapping case

January 23, 2023 @ 2:05 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Binira ni Senador Sherwin Gatchalian nitong Lunes, Enero 23 ang state-run Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sa pagpayag na mag-operate ang dalawang POGO service providers na sangkot sa insidente ng kidnap-for-ransom.

“Do you think this is effective regulation? After 30 days wala kayong ginawa? There is no sense of urgency within Pagcor in so far as dealing with crimes. That’s the problem,” giit ni Gatchalian kasabay ng pagdinig ng Senado.

Bago pa ang paglalabas ng ulat na ito, nauna nang sinabi ng bagong pinuno ng offshore gaming and licensing department ng Pagcor na si Atty. Jessa Mariz Fernandez, na napatawan ng P500,000 initial fine ang ahensya.

Ani Fernandez, makikipag-ugnayan ang Pagcor sa mga awtoridad para rito.

Sa kabila nito, sinabi ni Gatchalian na hindi katanggap-tanggap ang aksyon na ito ng Pagcor na ngayon lamang nila tutugunan ang kaso gayong inilantad na ito ni Senador Grace Poe sa kanyang privilege speech noong Disyembre.

“None of the POGO operators, especially those involved in crimes, respects us kasi mabagal tayo at ‘yung punishment natin ₱500,000,” ani Gatchalian.

“Sana you went to the police station, you did your own action. Why wait? The privilege speech was already a trigger to you,” dagdag pa niya.

Humingi naman ng tawad ang Pagcor at nangako na tututukan ang naturang kaso, kasabay ng pagpapanagot sa registered POGOs na sangkot dito sa pamamagitan ng pagbawi sa lisensya at deportation.

“If I were you, these two companies should be banned completely. Don’t allow them to come in our shores,” sinabi pa ni Gatchalian. RNT/JGC