PAGCOR muling nagbabala vs illegal gambling websites

PAGCOR muling nagbabala vs illegal gambling websites

December 29, 2022 @ 8:37 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Muling nagbabala ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) sa publiko laban sa paggamit ng mga website ng ilegal gambling websites bunsod ng panganib sa cybercrime at sa  posibilidad na maharap sa mga kasong kriminal.

Ipinabatid din ng PAGCOR na makikita sa kanilang opisyal na website ang listahan ng legal na gambling sites at ang mga wala rito ay mga iligal.

“Betting on illegal gambling activities is not only a criminal act; it also takes away from the government billions of pesos in revenues which can be used to fund priority programs that will benefit a greater number of Filipinos,” anang PAGCOR.

Ayon sa state-run licensing authority, ₱9 milyon kada araw ang kinikita ng gobyerno mula sa mga legal na negosyo, na ginagamit naman sa pagsuporta sa ilang programa ng gobyerno tulad ng 4Ps, pagtatayo ng mga pasilidad pangkalusugan, pagtatayo ng mga gusali ng paaralan at pagsasanay ng mga pambansang atleta ng Pilipinas. RNT