PAGCOR namigay ng P100K ayuda sa pamilya ng 5 Bulacan rescuer

PAGCOR namigay ng P100K ayuda sa pamilya ng 5 Bulacan rescuer

October 3, 2022 @ 1:13 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Namigay ng financial assistance na nagkakahalaga ng P100,000 sa bawat pamilya ng limang rescuer na nasawi noong kasagsagan ng bagyong Karding sa Bulacan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ito ay bilang pagbibigay-parangal sa kabayanihan ng mga rescuer na sina Narciso Calayag Jr., Jerson Resurreccion, Marby Bartolome, George Agustin at Troy Justin Agustin.

Maliban sa financial assistance sa mga pamilya nito, nakipagtulungan rin ang PAGCOR sa Bridges of Benevolent Initiative Foundation Inc. (BBFI) para mamahagi ng relief goods sa mga biktima ng bagyo sa Bulacan at Pampanga.

Simula pa noong Setyembre 30 ay patuloy na sa pamamahagi ng relief packs sa iba’t ibang lugar sa Luzon ang state-run gaming firm bilang suporta sa mga naapektuhan ng malakas na bagyo. RNT/JGC