Pagdadala ng baril ng mga barangay chairman, hindi pa pinal- Malakanyang

Pagdadala ng baril ng mga barangay chairman, hindi pa pinal- Malakanyang

June 18, 2018 @ 4:13 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Hindi pa pinal dahil pinag-aaralan pa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung ipatutuloy nito sa Department of Interior and Local Government ang paga-armas o pagdadala ng baril sa mga barangay chairman.

Kaya wala aniyang dahilan para maligalig ang publiko sa bagay na ito at magbunyi naman ang mapapalad na barangay chairman na papayagan na magdala ng baril.

Subalit, sakali’t matuloy ito ay hindi naman mas magiging mapanganib sa lahat ang pagkatig ni Pangulong Duterte na pagbitbitin ng armas ang mga Barangay Chairman gayong karamihan sa mga ito ay sabit o sangkot sa iligal na droga.

Pinagbasehan naman ni Sec. Roque ang ginawang paglilinaw ng DILG na may legal na basehan para rito,

Tinukoy nito ang Seksyon 387 ng Local Government Code kung saan ay binibigyan ang mga barangay officials ng pribilehiyong magmay-ari ng baril o hand gun.

Subalit, subject aniya ito sa requirements na hinihingi pa rin ng AFP at PNP para sa kahit na sinuman na nagnanais na magkaroon ng baril.

Sa kabilang banda ay mayroon naman aniyang diskresyon ang PNP kung kanino magbibigay ng gun license at permit to carry.

Hindi naman aniya lahat ng barangay chairman ay mabibigyan lalo pa’t may bad record. (Kris Jose)