Pagdadala ng BFP personnel ng armas sa pagresponde sa sunog tablado sa Senado

Pagdadala ng BFP personnel ng armas sa pagresponde sa sunog tablado sa Senado

March 3, 2021 @ 7:18 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hindi sinang-ayunan ng Senado ang proposal na payagan ang  Bureau of Fire Protection (BFP) personnel na magdala ng armas tuwing may emergency.

Iniulat na apat ang senador na sumang-ayon habang 13 naman ang pumalag sa BFP modernization bill.

Sa amyenda, sinabing papayagan ang BFP personnel na magdala ng armas sa fire emergencies at disasters only sang-ayon sa probisyon ng Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at ng Department of the Interior Local Government (DILG) Act of 1990 at papayagan kung daraan sa pagsasanay ng DILG at  Philippine National Police (PNP).

“His intention was to arm the BFP personnel with short firearms because he wanted to make this personnel available to support the law enforcement operations of the PNP and AFP [Armed Forces of the Philippines],” pahayag ni  Senator Ronald Dela Rosa.

Kailangan aniyang protektahan ng BFP personnel ang kanilang sarili sa oras ng emergency.

“Hindi yun ang intensyon ng kanilang trabaho, hindi yan ang kanilang mandato. Dagdagan ninyo ang PNP na pwedeng makipagsapalaran sa mga pangangailangan nating domestic na mga hamon,” panig naman ni Senator Grace Poe.

“Pero para bigyan sila ng baril para gawin ang kanilang trabaho, parang hindi naman yan naaaayon sa kanilang sinumpaan na tungkulin at trabaho.”

Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri also recalled that during the deliberations of the measure, resource persons said that BFP personnel did not want to be armed.

Depensa naman ni Senator Panfilo Lacson na ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ay naglalaan sa lahat ng indibidwal kasama na ang mga bumbero ay maaaring magdala ng armas basta kwalipikado.

“It’s redundant because there’s already an existing law that covers that,” punto ni Lacson.

Ilan sa mga pumalag dito ay sina Poe, Lacson, Zubiri, Senators Nancy Binay, Pia Cayetano, Franklin Drilon, Sherwin Gatchalian, Richard Gordon, Risa Hontiveros, Manny Pacquiao, Francis Pangilinan, Ralph Recto, at Joel Villanueva. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •