Pagdagsa ng pasahero sa mga pantalan ngayong taon, pinaghahandaan na

Pagdagsa ng pasahero sa mga pantalan ngayong taon, pinaghahandaan na

December 10, 2022 @ 2:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inaasahan at pinaghahandaan na ang inter-island passenger traffic ngayong taon sa inaasahang peak ng mga biyahero ngayong holiday season, ayon sa port regulator nitong Biyernes.

Mula sa 23 milyong pasahero noong 2021, inaasahan ng Philippine Ports Authority (PPA) na papalo sa 57 milyon hanggang katapusan ng Disyembre ang bilang nito.

“We’re up by almost 200-220%. For the entire year in 2021, we’ve seen probably about 23 million passengers pass into our ports,” pahayag ni PPA general manager Jay Daniel Santiago nitong Biyernes.

Sinabi ni Santiago na inaasahan ng PPA ang 30% pagtaas sa dami ng pasahero para sa kapaskuhan.

Iginiit niya na handa na lahat ng terminal para sa pagdagsa ng mga pasahero na “all hands on deck” at magkakasa ng 24/7 operations.

“There are no additional fees that they should pay other than the passenger ticket, the terminal ticket, and for some LGUs (local government units), a very nominal amount for environment fee,” paalala ni Santiago. RNT/SA