Pagdagsa ng turista sa Bora, bumagal

Pagdagsa ng turista sa Bora, bumagal

January 28, 2022 @ 7:48 AM 8 months ago


ILOILO CITY — Bunsod ng panganib dulot ng Omicron variant ng COVID-19 kumonti ang mga turistang nagpupunta sa world-famous Boracay Island sa Malay town, Aklan province.

Base sa mga datos mula sa tourism office ng Malay local government na umabot lang sa 30,000 ang bumisita sa Boracay nitong Enero 1-23, 2022.

Napakababa nito kumpara sa naitalang 113,596 turistang bumisita noong Disyembre 2021 na tinagurian namang pinakamataas sa gitna ng buong pandemya.

Matatandaang ibinalik noong Enero 9 ang rekisito na pagpapakita ng negative swab test results sa COVID-19 bunsod ng muling pagtaas ng kaso ng virus.

Matatandaan na noong Nobyembre 2021 nang maabot ng Boracay ang herd immunity sa dami ng mga residente na nabakunahan na kontra sa COVID-19. RNT