Pagdalaw ni Kuya Wil kay Vhong, fake news!

Pagdalaw ni Kuya Wil kay Vhong, fake news!

October 5, 2022 @ 8:00 AM 2 months ago


Manila, Philippines- Kung ang pag-uusapan ay ang pagdalaw ni Willie Revillame kay Vhong Navarro sa piitan ngayong 2022, isang maliwanag na fake news ‘yon.

Ito ang ipinagdiinan ni Cristy Fermin sa kanyang online show.

Si Cristy ay kilalang malapit kay Willie.

May kumakalat kasing fake news na dinalaw ni Willie ang nakapiit na host ng It’s Showtime na nahaharap sa kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo.

Totoong may pagbisita raw na naganap pero taong 2014 pa ‘yon.

Dinalaw ni Willie si Vhong nang maospital ito matapos bugbugin ni Cedric Lee at ng grupo nito.

Inabutan pa nga raw ni Willie si Vhong ng isang milyong piso para lumipat sa mas malaking hospital room para sa mga dumadalaw na bisita nito.

Samantala, dawit din ang ilang mambabatas tulad nina Senators Bong Revilla, Robin Padilla, Jinggoy Estrada at JV Ejercito na balitang hiningan ng tulong ni Vhong para makalaya ito.

Muli, pinabulaanan ni Cristy ang balitang ito.

Alam naman daw kasi ng mga nabanggit na senador na may batas na kailangang sundin.

Hindi raw para ipahamak o itaya ng mga mambabatas na ito ang kanilang pangalan sa usaping sangkot ang kapwa artista.

“Alam nila that no one is above the law,” paglilinaw ni Cristy.

Samantala, marami ang nagsasabing dumating na raw ang kinatatakutan ng misis ni Vhong na si Tanya.

Malamang daw kasing mailipat ang mister mula sa NBI sa kulungan sa Taguig at doon na abutan ng Pasko.Ronnie Carrasco III