PAGDALAW SA GENSAN

PAGDALAW SA GENSAN

April 21, 2022 @ 2:47 PM 2 months ago


NAKAKAPAGOD ngunit sulit. Ganyan ko mailalarawan ang aking pagbisita sa General Santos City kamakailan lang. Hindi siya bakasyon kung di isang official mission, upang talakayin ang kapakanan ng seguridad ng media sa lugar.

Bilang opisyal ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) kailangan nating maglatag ng tamang proteksyon para sa ating mga kabaro sa pamamahayag.

Maiinit ang naging pagtanggap sa dala-dala kong team ng PTFoMS sa Gen.San., mula sa ‘men and women’ ng Police Regional Office 12 na pinamunuan ni Regional Dir, PBgen Alex Tagum.

Tanggapin niyo ang aking taus-pusong pasasalamat Col. Destura, ang DRDA at aking  mistahs, Col. Michael Lebanan, sa DRDO na Col. Yap, ang chief directorial staff. Mabuhay kayo, mga sir!

Congrats at kudos Kay Col. Joyce Birrey, ang Regional PIO at Regional Media Security Vanguard at sa kanyang team!

Isang malaking karangalan ang makaharap kayong lahat, lalo na kapag ang iyong makausap ay ang provincial directors at chiefs of police ng region na maraming karahasan sa mga media ang naitatala.

Kaya napakahalaga ang pagdaraos ng isang ‘seminar’ para maiwasan na ang iba’t ibang karahasang dinadanas ng ating mga kabaro lalo na’t may paparating pang halalan.

Congratulations na rin sa mga¬† newly-inducted officers ng PRO12 PNP PRESS CORPS sa pamumuno ng kanilang pinunong si Jazztein Jubelag. Bilang partners sa serbisyo publiko, kasama niyo ako na makakapagsabi na rito sa Pinas, ‚Äėdi naduduwag ang mga mamamahayag. Ang mga Pinoy journo ay nagmana lamang sa katapangan at patriotismo ng ating bayaning si Marcelo Del Pilar.

Silang ating mga bayani ang tumayo at lumaban sa hamon ng mapanganib na pagbabago. Taglay nating mga Filipino journo ang dugong ito, nagsasama-sama kung kinakailangan para maituwid ang isang pagkakamali.

Lahat tayo’y nakaranas na nito. Iwaksi natin sa ating mga isipan ang salitang karuwagan. Ang salitang “chilling effect” ay isang pagmamanipula lang ng may maitim na balak.

Ang kakaunting bilang ng walang gaanong alam na nagrurunongrunungan lamang ang naniniwala sa salitang ‚Äėyan. Ang iba nga ay nagkukubli sa salitang press freedom para makapang-abuso at magawa ang kanilang mga masamang gawain.

Hindi na puwede ‘yan. Buking na ‘yan! Gaya nga ng isang mapanglinlang na media man sa norte. Nalito na at ‚Äėdi mapagkumpara ang katotohanan sa kahibangan.

Huwag magmukhang tanga. Maging mapanuri at makatotohanan. Mabuhay ang mga totoo, tunay, tapat, matapang, makabansa, maka-Filipino, walang pagkukunwari at makatotohanang PROPESYUNAL sa larangan ng pamamahayag!

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!