Pagdalo ni Go sa Talk to the People, ipinaliwanag ni Digong

Pagdalo ni Go sa Talk to the People, ipinaliwanag ni Digong

February 8, 2022 @ 9:51 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahalagahan ng kanyang Talk to the People lalo na ang presensiya ni Senador Bong Go sa mga pagpupulong.

“I’d like to just say a few words of Senator Bong Go, why he chooses to be here every Talk to the People program,” ayon kay Pangulong Duterte.

Ani Pangulong Duterte, ang kanyang programa kasi ay nagbibigay ng impormasyon na hindi nila naririning mula sa ibang sources.

“There are things which we do not or can immediately communicate to the other departments of the Congress which we think are urgent and necessary so s’ya ‘yun. ‘Yung makuha niya rito, he will… to the congressmen or senators if need be, regarding legislation that are important to run this government,” paliwanag nito.

Aniya, ang kanyang lingguhang Cabinet meeting ay nagbibigay sa mga mamamayang Filipino ng “timely updates” ukol sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19.

“Maligaya ako na nag-resume tayo sa ating programa na Talk to the People because nakita namin na all throughout the months that we have been doing it, the program, a lot of people are expecting information which they do not hear from other source or sources,” ani Pangulong Duterte.

Aniya pa, inaasahan niya na palalaganapin ng mga miyembro ng kanyang gabinete ang impormasyon ukol sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa pandemiya.

“The other Cabinet members are present, they may want to talk to the people, there is new information in their department which is hindi natin alam hanggang ngayon. Only if they want to and if they have something to say that is more or less substantial and informative for the people,” aniya pa rin.

Nauna rito, tiniyak ng Malakanyang na malusog ang Pangulo sa kabila ng sumailalim ang Chief Executive sa mandatory quarantine makaraang ma- exposed sa isang COVID-19 patient. Kris Jose