Pagdalo ni PBBM sa WEF, may malaking pakinabang sa bansa – economist

Pagdalo ni PBBM sa WEF, may malaking pakinabang sa bansa – economist

January 16, 2023 @ 6:25 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Malaki ang magiging pakinabang ng bansa sa ginawang pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa World Economic Forum (WEF) sa Switzerland.

Makakatulong kasi Ito na maisulong ang economic interest, lumalim ang ugnayan sa ibang bansa at maipakita ang local investment opportunities, ayon kay Dr. Michael Batu, isang economist, sa Laging Handa public briefing.

Aniya, ang WEF ay tamang venue para sa Pilipinas para magkaroon ng magandang ugnayan sa ibang bansa at para sa Philippine leaders at mga negosyante na magkaroon ng palitan ng pananaw at opinion kasama ang global decision makers at world business leaders.

“Ang kagandahan kasi ng World Economic Forum is sa event na ito ay nasa iisang location po ang global decision makers – ibig sabihin kapag nandoon po kayo ay mayroon kayong access and you can talk to them – puwede iyan sa mga tinatawag natin na mga workshop, mayroon din silang mga country strategy dialogue,” ayon kay Batu.

Binigyang diin nito na ang layunin ay ang i- promote ang economic interest ng bansa.

Winika pa ni Batu na maaaring gamitin ng Philippine delegation ang networking opportunities ng WFE para talakayin ang iba’t ibang isyu sa mga political leaders, at maging sa business leaders na puwedeng magresulta ng mas maraming foreign investments sa bansa.

Maliban sa networking, ang WEF ay mayroon ding learning opportunities sa pamamagitan ng “workshops at discussions” kung saan ang mga miyembro ng Philippine delegation ay maaaring matuto mula sa naging karanasan ng ibang bansa.

“Halimbawa, kakausapin ni President BBM iyong mga world leaders at tatanungin kung papaano nila sinimulan iyong kanilang mga Sovereign Wealth Funds, at sa pamamagitan ng mga pag-uusap na ito ay matututo ang ating Pangulo, makakakuha siya ng bagong mga impormasyon kung papaano sisimulan iyong mga Sovereign Wealth Fund na iyan,” paliwanag ni Batu.

“Hindi lang iyan, sa pagpa-participate doon sa mga forum, sa mga discussion ay magkakaroon po ng karagdagang kaalaman iyong ating mga business leaders sa mga latest trends, at mga best practices at mga insights sa mga new markets, at technologies,” aniya pa rin.

“Also through the WEF, the Philippines can showcase itself that it is open for business, with President Ferdinand R. Marcos Jr. promoting a well-managed Philippine economy backed by indicators such as the country’s strong economic fundamentals and its recent credit ratings,” anito sabay sabing “Puwedeng i-showcase ng ating Pangulo iyong performance ng ating economy, at siyempre may mga investment opportunities na kung saan ay manghihimok nga ang ating ng Pangulo ng mga foreign investments papunta sa ating bansa.”

“At siyempre puwede rin pong i-promote ang ating bansa bilang isang tourist destination, at siyempre nabanggit nga ng ating Pangulo na magkakaroon nga ng soft launch na tinatawag itong Maharlika Investment Fund,” dagdag na pahayag ni Batu.

Si Dr. Batu ay isang Filipino-Canadian economist na dalubhasa sa “applied econometrics, applied macroeconomics, development economics at scholarship of teaching and learning economics.”

Sa kasalukuyan, siya ay tenure-track Assistant Professor ng Economics sa University of the Fraser Valley sa Abbotsford, British Columbia, Canada. Kris Jose