Pagdami ng COVID-19 cases sa lahat ng rehiyon naobserbahan ng DOH

Pagdami ng COVID-19 cases sa lahat ng rehiyon naobserbahan ng DOH

July 1, 2022 @ 4:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Naoobserbahan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at lahat ng rehiyon nitong nakaraang linggo na may 88 porsyento sa probinsya, HUCs (highly urbanized city) at ICCs sa lahat ng island groups na nagpapakita ng positive growth sa kaso.

Sa COVID-19 Survellaince and Quick Action Unit, ang nasabing mga pagtaas na ito ay hindi isinalin sa mga pagtaas sa iba pang mga sukatan dahil ang average daily attack rate at utilization rate ay nananatiling mababa ang panganib o low risk sa karamihan ng mga lugar na ito.

Ang severe at critical cases ay nanatiling mababa sa 1.5 porsyento sa mga kabuuang hospital admissions sa buong bansa.

Ayon sa DOH, ang active case survellaince ay dapat gawin upang tugunan ang naturang pagtaas ng kaso, panatilihin ang minimal transmission at pababain ang severe at critical cases.

“As we maintain mobility, we must ensure safeguards such as vaccination and boosters as well as minimum public health standards remain in place” , ayon pa sa DOH. Jocelyn Tabangcura-Domenden