Ex-DA official: Kakulangan sa suplay ng asukal, malinaw

August 16, 2022 @2:34 PM
Views:
0
MANILA, Philippines- Ipinaliwanag ng nagbitiw na Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian ang desisyon niya na lumagda sa order na pumapayag sa importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal.
“I signed the document based on the data presented to me, based on the data presented by the Sugar Regulatory Administration. There is a clear indication of the rapidly diminishing supply of sugar,” aniya sa briefing kasama ang mga mambabatas.
Nagsagawa nitong Lunes ang mga komite sa good government and public accountability, at agriculture and food ng Kamara ng briefing kasama ang mga opisyal na sangkot sa sugar importation mess.
Nagbitiw si Sebastian sa pwesto matapos sabihin ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang Sugar Order No. 4 ay iligal na nilagdaan, dahil hindi awtorisado ang dating agriculture official na pumirma sa dokumento para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., wna siya ring Agriculture secretary.
“Current supply is projected to run out in August 2022, this month, and end of crop year 2021-2022,” sabi ni Sebastian said.
Batay sa datos mula sa SRA, Philippine Statistics Authority, National Economic and Development Authority, at sa United States Department of Agriculture, ang average annual shortage supply ng asukal mula 2015 hanggang 2019 ay nasa halos 530,000 metric tons, na binubuo ng average annual deficit na 203,000 MT para sa raw sugar at 332,000 metric tons para sa refined sugar, aniya.
Maiuugnay umano ang yearly deficit sa small farm productivity, small farm sizes, at low sugar milling efficiency. Para sa taong ito, makaaapekto rin ang bagyong Odette at ang pagtaas ng presyo ng fertilizer sa sugar production, base kay Sebastian.
“I cannot stand watching Filipinos suffer from high local prices of sugar that are hurting Filipino consumers,” ayon sa ex-DA official.
Sa kabila ng kanyang intensyon, agad na nagbitiw sa pwesto si Sebastian nang malaman umano niyang hindi ikinatuwa ng Pangulo ang kanyang naging aksyon.
“It has been clear that my actions were not in keeping with administration’s desired direction for the sugar industry,” pahayag niya.
Sa parehong hearing, inihayag ni Samahang Industriya ng Agrikultura President Rosendo So ang pagkadismaya kay Sebastian sa hindi pagbibigay-alam sa chief executive ukol sa pagpirma niya sa SO no. 4.
“Sa tingin namin may tinatago and dapat malaman natin,” sabi niya.
Sa kasalukuyan, nagbitiw na sa pwesto sina Sebastian at si millers’ representative Atty. Roland Beltran kasunod ng kontrobersiya.
Nananawagan naman ang mga mambabatas na magbitiw na rin sa pwesto ang iba pang opisyal na lumagda sa resolusyon “out of delicadeza.”
Nakatakda ang isa pang House hearing sa Huwebes. RNT/SA
Lee tinawag ni Folayang na greatest fighter ng One championship

August 16, 2022 @2:32 PM
Views:
1
MANILA, Philippines – Pinuri ni dating ONE lightweight world champion Eduard Folayang ang kanyang kapwa ex-champ na si Christian Lee bilang isa sa mga pinakadakilang mixed martial artist na nakatapak sa ONE Championship.
Nakatakdang harapin ni Lee ang kasalukuyang ONE lightweight world champion na si Ok Rae Yoon sa isang rematch sa Agosto 26 sa Singapore Indoor Stadium.
“Siya ay isang pambihirang atleta, alam nating lahat iyon,” ani Folayang.
“Sa paglipas ng mga taon, ipinakita niya ang kanyang napakalaking paglago sa isport at makatarungang nakuha niya ang kanyang puwesto sa elite group ng mga all-time fighters sa ONE Championship.”
Sa edad na 24 pa lang, natalo na ni Lee ang ilan sa mga pinakamahusay na iniaalok ng kanyang dibisyon kabilang ang Japanese legend na sina Shinya Aoki, Saygid Arslanaliev, at Timofey Nastyukhin.
Sa nakikita ni Folayang, si Lee, na may hawak na MMA record na 15-4, ay may lahat ng kakayahan na maging isang superstar sa hinaharap.
“Sa totoo lang hindi ko ma-assess nang may katiyakan pero kung titignan ang edad niya, malayo ang mararating niya sa MMA,” wika ni Folayang.JC
Ukay-Ukay, gagawing legal ng Senado

August 16, 2022 @2:20 PM
Views:
8
MANILA, Philippines- Iminungkahi ng dalawang senador sa Senado ang pagsasa-legal sa importasyon ng “Ukay-Ukay” o second-hand clothes matapos kinuwestiyunin ni Senador Raffy Tulfo ang pagpupuslit nito sa Bureau of Customs (BOC) sa kabila ng ipinagbabawal ng batas.
Inihayag ito ni Tulfo sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means sa pamumuno ni Senador Win Gatchalian matapos makatanggap ng reklamo mula sa ilang vlooger at online seller na tinatarget sila ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagbubuwis.
Ayon kay Tulfo, dapat hinahabol ng BIR ang mga bigtime smugglers tulad ng nagpupuslit ng “ukay’ukay” at langis sa bansa na hindi nagbabayad ng buwis.
Sinabi ni Tulfo na wala siyang galit sa mga small-time ukay-ukay seller pero ipinagbabawal ang importasyon nito pero laganap ang produkto kahit saang sulok ng bansa.
“‘Di po ba ang ukay-ukay ay bawal po ‘yan? Nasa batas po natin ‘yan. Dapat po hindi tayo nagbebenta ng mga ukay-ukay dahil ang mga ukay-ukay po ay ‘yan ay mga secondhand dapat po donations yan dumidiretso yan sa DSWD (Department of Social Welfare and Development). Di ho ba tama? “ayon kay Tulfo.
Sumang-ayon naman si Customs Deputy Commissioner Edward James Buco na ipinagbabawal ang importasyon ng used clothes saka ipinaliwanag na kahit ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may patakaran na hindi tumatanggap ng “ukay-ukay”.
Ngunit, iginisa ni Tulfo si Buco dahil sa kabila ng ipinagbabawal ang importasyon, laganap ang bentahan ng produkto kahit may pambansang patakaran laban dito.
“So why in the heck tumingin ka sa kaliwa’t kanan. Sa Luzon, Visayas, Mindanao nagkakalat ang mga ukay-ukay? So ano po ang ginagawa ng Bureau of Customs? Bakit nakalusot itong mga ukay-ukay?” aniya.
Sinubukang “magpalusot” ng Customs officials sa paliwanag na kanilang ipinatutupad ng batas laban sa pagpupuslit ng used clothes pero nagiging mautak ngayon ang mga ismugler.
Hindi sumang-ayon si Tulfo kay Buco.
“I dont think so. Sorry, Mr. Buco. Gumala lang po kayo diyan sa mga kanto, sa mga kalye. Diyan sa Divisora, Baclaran, kahit saang sulok ngayon marami na ang ukay-ukay. Ano ba kayo bulag? I’m sorry for the word again,” ayon sa senador.
“Ang pinag-uusapan po natin dito hindi ginagawa ata ng Bureau of Customs ang kanilang trabaho… Siguro po ‘yung mga maliliit huwag na ho nating hulihin. Siguro sitahin lang saan galing ito? Sino ang nagparating nito? Sino ang importer? Sino ang consignee? etcetera. Eh palagay ko po hindi na tinatanong dahil ang consignee ay ‘friendship’ na,” patuloy ni Tulfo.
Ikinatuwiran pa ni Buco na marami na silang nakumpiskang shipments ng used clothes at nakapagsampa ng kaukulang kaso sa importer pero iginiit ni Tulfo na talamak pa rin sa merkado ang bentahan ng “ukay-ukay.”
Inihayag naman ni Gatchalian na hindi nito nalalaman na ipinagbabawal ang importasyon ng ukay-ukay sa ilalim ng Republic Act 4653.
Kaya hiniling niya sa BOC na makipagtulungan sa local government units sa implementasyon ng naturang batas dahil hindi alam ng maraming mamamayan na illegal ito.
Dahil dito, iminungkahi ni Tulfo na gawin nang legal ang commercial importation ng used clothes kundi hindi kayang pigilan ito ng BOC.
“Siguro since hindi kayang kontrolin ng Bureau of Customs ‘yung pagpasok ng ukay-ukay, siguro we have to come up with the system na, I don’t know, legalize ukay-ukay,” aniya.
“Dahil sa ngayon wala pong binabayad na buwis ang ukay-ukay, tama [o] mali? Di ‘ba wala po ni singkong duling? So kung wala siyang binabayad na singkong duling na buwis eh bakit po nagbebenta sya’t pinagkakitaan? Siguro it’s about time to revisit kung ‘di niyo po kayang pigilan,” giit niya.
Pumayag si Gatchalian sa panukalang bisitahin muli ang batas. Ernie Reyes
Broner umatras sa laban vs Figueroa

August 16, 2022 @2:14 PM
Views:
6
MANILA, Philippines – Umatras si dating four-division champion Adrien Broner ilang araw bago ang kanyang nalalapit na laban sa Agosto 21 (oras sa Pilipinas) kontra kay Omar Figueroa sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida.
“Man I’m going thru a lot at this moment in my life but I ain’t [going to] give up. I set some more goals and I ain’t stopping until I finish what I started but sorry to say this but I’m not fighting [on August 20],” ani Broner sa kanyang Instagram.
Si Broner, 34-4-1 na may 24 knockouts bilang propesyonal na boksingero, ay huling lumaban noong Pebrero 2021 laban kay Jovanie Santiago kung saan siya ay nanalo sa pamamagitan ng unanimous decision. Hindi idinetalye ng brash American ang dahilan ng kanyang pag-withdraw ngunit binanggit ang kanyang mental health.
“Sorry to all my fans but mental health is real and I’m not about to play inside the ring. I’ve watched a lot of people die playing with [their] boxing career and that is something I won’t do,” ani Broner.
Ang dating naka-iskedyul na showdown sa pagitan ng Broner at Figueroa ay itinakda para sa pangunahing kaganapan ng Showtime Championship Boxing. Sa kabila ng sorpresang anunsyo mula kay Broner, nagpasya ang Showtime na ituloy ang kaganapan nang wala ang orihinal na headliner nito.JC
Special Investigation Task Group Jovelyn, binuo

August 16, 2022 @2:06 PM
Views:
14