Pagdaragdag ng 2 pang taon sa senior high ‘fake news’ – VP Leni  

Pagdaragdag ng 2 pang taon sa senior high ‘fake news’ – VP Leni  

December 11, 2021 @ 12:13 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Itinanggi ni Vice President Leni Robredo ang fake news na kumakalat sa social media kung saan nakasaad na dadagdagan niya pa ng dalawang taon ang pag-aaral sa senior high school kung sakaling mananalo bilang Pangulo.

 “Meron pang nag-text sa’kin kanina na dun daw sa kanila pinagkakalat daw, kaya ayaw daw sa akin bumoto kasi dadagdagan ko raw ng another two years yung senior high,” saad ni Robredo sa kanyang live kahapon.

“Meron na po tayong two years na senior high at wala po akong balak na dagdagan yung two years na yun.”

Aniya, kanya lamang tututukan ang ‘maritime track’ sa senior high school curriculum upang mapalakas ang maritime sector ng bansa.

“‘Pag narinig n’yo po yung fake news na dadagdagan ko ng another two years, pasabi po hindi yun totoo,” dagdag ni Robredo.

 “Ang sinasabi ko pong mura lang na materials ang gamitin kasi gagawa po kami ng model unit. Ang sabi ko sa aming staff ay yung bilhin nila ay yung hindi masyadong mahal na materials para kung gagayahin ng mga house owner ay kaya nila.” RNT/FGDC