Pagdating ni Clarkson sa bansa, maaantala

Pagdating ni Clarkson sa bansa, maaantala

August 3, 2022 @ 3:46 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Inaasahang mauunsiyame ang pagdating ni Jordan Clarkson sa bansa at muurong ito ng ilang araw.

Nakatakda sanang dumating sa bansa si Clarkson sa August 18 para makapaghanda kasama ang Gilas Pilipinas sa pagsabak nila sa 4th window ng FiBA World Cup Asia qualifiers.

Una ng sinabi ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na sigurado nang maglalaro sa Gilas si Utah Jazz star Clarkson para sa 2023 FIBA World Cup at natakdang dumating sa bansa sa August 18 para sa August window.

Pero isiniwalat ni Gilas head coach Chot Reyes na maaantala ang pagdating ni Clarkson.

“Wala pa, it’s still being worked on,” ani Reyes.

“I think they’ll make an announcement in the next few days. August 15 ang start ng practice but I don’t think that’s the date of his arrival,” ani Reyes.
If Clarkson, who last donned the national colors in the 2018 Asian Games, indeed suits up for the Philippines, the Filipino-American guard will see action as a naturalized player.

Haharapin ng Gilas ang Asia Cup finalist Lebanon sa August 25 sa road game at ang Saudi Arabia sa August 29 sa home para sa fourth window of the World Cup Asian Qualifiers.JC