Pagdawit ni Bantay kay  German Agojo sa Percy Lapid case, bubusisiin ng PNP, NBI

Pagdawit ni Bantay kay  German Agojo sa Percy Lapid case, bubusisiin ng PNP, NBI

November 14, 2022 @ 10:00 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Bubusisiin ng mga imbestigador ang pahayag ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag, na umano’y mastermind sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid, ukol sa presong nagngangalang German Agojo, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Lunes.

“‘Yung kanyang allegation regarding dito po sa German Agojo po ay iimbestigahan po ‘yan at titignan din po ng PNP at NBI (National Bureau of Investigation) ‘yan,” pahayag ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo.

“Sabi ko nga before, even the [Department of Justice] and [Department of the Interior and Local Government] po, nagsabi po na from the start we will proceed where the evidence take us,” dagdag niya.

Subalit, sinabi ni Fajardo na umaapela ang PNP sa publiko na huwag mawalan ng “focus” sa imbestigasyon at hinikayat si Bantag na dumepensa sa akmang forum gaya ng preliminary investigation.

Binasag ni Bantag ang katahimikan nitong Biyernes nang maghain ng kasong murder laban sa kanya hinggil sa pagkamatay nina Lapid at Cristito Villamor Palaña, isang preso sa New Bilibid Prison (NBP) na umano’y nagsilbing middleman noong Oktubre 3 s apagkitil kay Lapid.

Base kay Bantag,na itinangging may kinalaman sa mga pagpatay, ipinag-utos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa NBI na kunin si Agojo,isang preso, sa witness protection program. Ayon kay Bantag, may kauganayan si Agojo kina Villamor at Joel Escorial, ang self-confessed gunman sa pagpatay kay Lapid.

Sinabi ni Bantag na sina Agojo, Villamor at Escorial ay kapwa sangkot sa pagkamatay ng isang judge sa Tagaytay City. Itinuro niya si Agojo bilang ringleader ng grupo.

“Step down, Mr. Secretary, wala na kayong credibility [you have no credibility],” apela ni Bantag kay Remulla.

“There’s only one issue at hand; that is the related murders of Percy Lapid and Jun Villamor. Let us not muddle the issue, let us not clutch at straws,” tugon naman ng DOJ. RNT/SA