Pagdedeklara ng false positive COVID-19 sa PBA ‘premature’ – Vergeire

Pagdedeklara ng false positive COVID-19 sa PBA ‘premature’ – Vergeire

October 26, 2020 @ 2:35 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – ‘Premature’ pa para ideklara ang dalawa pang kaso ng COVID-19 sa loob ng Philippines Basketball Association (PBA) bubble sa Clark, Pampanga, batay sa Department of Health (DOH).

Batay kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan pang pag-aralan ang mga detalye bago tuluyang ianunsyo na ito ay false positive.

“Hinihingi pa natin iyong details noong laboratory para mapag-aralan ng ating mga eksperto. We cannot leave appropriate conclusion at this time because we have not seen all the details para malaman natin kung false positive ba talaga ‘yan o hindi,” giit ni Vergeire sa online forum.

“When it comes to antigen test, it is most accurate sa may sintomas, sa mayroong impeksiyon. Sa first five days of illness, diyan pinaka-accurate ang antigen test.”

 “Maaring nung kinunan sila ng antigen test, they did not exhibit symptoms; baka sakaling hindi sila infectious, kaya nag-negative ang antigen,” lahad pa nito.

“Pero bago tayo magbigay ng conclusion na false positive, kailangan pinag-aaralan ang lahat ng detalye at dumaan sa proseso, hindi lang basta sasabihin na false positive o false negative.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...