Pagdedeklara sa Kalayaan Island sa WPS bilang protected area umusad na sa Kamara

Pagdedeklara sa Kalayaan Island sa WPS bilang protected area umusad na sa Kamara

January 26, 2023 @ 12:33 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pasado na sa House Committee on Natural Resources ang House Bill No 6373 na nagsusulong na ideklara bulang Marine Protected Are ang Kalayaan Island sa West Philippine Sea(WPS).

Kasunud ng pag-apruba ng Committee, ang panukala ay iaakyat na sa House Plenary para sa debate at sponsorship.

Layon ng HB 6373 na inakda ni Palawan Rep. Edward Hagedorn na maprotektahan ang 3-nautical mile protected area sa WPS, nilinaw naman ng Kamara na ang hakbang na ito ay para sa pangangalaga marine environment at walang kinalaman sa usapin ng territorial dispute.

Sa isinagawang pag aaral ng University of the Philippines-Marine Science Institute noong 2019 flumilitaw na ang coral reefs sa Kalayaan Islands partiklar sa Pag-asa Island, Panata Island at Sabina Shoal ay unti unti nang nasisisra dahil sa illegal na akribidad gaya ng blast fishingp.

Umaasa ang mga mambabatas na sa maagang pagdedeklara sa Kalayaan Island bilang protected area ay makasasalba sa mabilis nitong pagkasira.

Sa oras na maisabatas, pahihintulutan pa din ang traditional fishing subalit ipagbabawal na ang ilang aktibidad sa 3-nautical mile area sa Lalayaan Island para magarantiya na mapapangalagaan ang marine habitat.

Magtatag din ng Kalayaan Island Group and Scarborough Shoal Protected Area Management Office (KIGSS-PAMO) atĀ  Joint Congressional Oversight Committee para masiguro na maipatutupad ang batas.

ā€œWe acknowledge that there are tensions relating to territory claims in the West Philippine Sea. However, we cannot afford not to act because the habitat of marine life in our waters, which benefit not only the Philippines but also the adjacent countries like China, Vietnam, Malaysia and Brunei, are being destroyed. We need to protect the biological productivity of our Kalayaan Islands in order to sustain our ever-increasing demand for marine produce,ā€ pahayag ni CIBAC Partylisr Rep EddieĀ  Villanueva na syang nag-sponsor ng panukala.