Pagdeklara ng LGUs ng ‘health break’ dinepensahan ng DOH

Pagdeklara ng LGUs ng ‘health break’ dinepensahan ng DOH

January 14, 2022 @ 6:20 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Iginiit ng Department of Health (DOH) na walang mali sa desisyon ng ilang local government units (LGUs) sa pagdeklara ng health break” sa kanilang hurisdiksyon sa pagtaas ng coronavirus disease (COVID-19) cases.

“Prerogative naman po iyan naman ng mga local governments because they are mandated to protect the health of their constituents,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Biyernes.

“Kung nakikita nila na mataas ang kaso sa kanilang lugar, nakikita nila na pati yung kabataan, kasama yung mga bata na nag aaral online ay naapektuhan nitong pagtaas ng kaso sa ating bansa, they have that authority to do that,” dagdag niya.

Nagdeklara ang city government ng Maynila ng health break nitong Huwebes. Nangangahulugan ito na suspendido ang mga klase simula Enero 14 hanggang 21 sa pribado at pampublikong mga paaralan sa capital city. RNT/SA