Pagdeklara sa Quiapo bilang heritage zone ipinanawagan

Pagdeklara sa Quiapo bilang heritage zone ipinanawagan

January 9, 2023 @ 7:17 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Muling ipinananawagan ni Senador Manuel “Lito” M. Lapid ang pagsasabatas ng panukalang pagdedeklara ng Quiapo District – isa sa makasaysayang landmark na kilala sa sinaunang imprastraktura, mayaman sa kultura at tahanan ng Minor Basilica of the Black Nazarene—bilang National Heritage Zone.

Sa panahon ng taunang Translacion, isinusulong ni Lapid ang paglikha ng ikatlong heritage site ng Lungsod na sasakupin ang lugar na nakapaligid sa Quiapo Church, Plaza Miranda, San Sebastian Church, at Plaza del Carmen, bilang tugon din sa matagal nang panawagan ng heritage conservationist at matatagal na resident end distrito sa pagdedeklara ng Quiapo.

Ayon kay Lapid, kikilalanin ang panukala bilang “Quiapo Heritage Zone Act”, na tutulong upang mapanatili at pagpreserba ang lugar at lumikha ng mas malawak na atraksiiyon habang pinoprotektahan ang integridad ng kultura at heritage ng Quaipo.

“Mula pa kahapon ay libu-libo ng deboto at panata ng Poong Nazareno ang nagtungo sa Quiapo upang ipahayag ang kanilang pananampalataya. Isa lamang ito sa napakaraming okasyon na patunay sa napaka yamang kasaysayan, tradisyon at kultura ng Quiapo na dapat nating pahalagahan at protektahan,” ayon kay Lapid.

Alinsunod sa explanatory note, “Senate Bill (S.B.) No. 1471 highlighted that Quiapo has “bore witness to many key events in our nation’s history and we will be remiss on our historical obligations to future generations of Filipinos if we let Quiapo fall into disrepair and fade into oblivion.”

“Dahil kinikilala natin ang kahalagahan ng Quiapo sa ating kultura at kasaysayan, at di matatawarang ambag sa pambansang kaunlaran, dapat lamang ipakita ng pamahalaan ang kanyang pagpapahalaga dito sa pamamagitan ng pagtatakda sa Distrito ng Quiapo bilang isang Historical and Cultural Heritage Zone,” ayon kay Lapid.

Nakatakda sa panukala, dapat bigyan ng priority development ang Quiapo Heritage Zone ng Department of Tourism (DOT) at iba panga ahensiya alinsunod sa itinakdang rules and regulations na sumasakop sa pagpapaunlad ng national heritage zones.

Sa pakikipag-koordinasyon sa pamahalaan ng Lungsod ng Maynila, makatatanggap ang Heritage Zone ng tulong at pondo mula sa DOT, National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at katulad na cultural agencies, National Historical Commission of the Philippines (NHCP), Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), at Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan alinsunod sa itianakdang alintuntunin ng pamahalaan.

Ayon sa panukala, itatayo ang heritage sites sa historical at cultural heritage zone na kinabibilangan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o ang Quiapo Church, Minor Basilica of San Sebastian, Masjid Al-Dahab (ang Manila Golden Mosque and Cultural Center), Plaza del Carmen, Plaza Miranda, Quinta Market, Calle Hidalgo, Padilla Art Gallery, Globo de Oro Street, at marami pang historic homes. Ernie Reyes