Pagdidiin kay Bantag, may sapat na basehan -DOJ

Pagdidiin kay Bantag, may sapat na basehan -DOJ

November 12, 2022 @ 12:12 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Iginiit ng Department of Justice (DOJ) nitong Biyernes na may sapat na ebidensya sa paghahain ng kasong murder laban kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag,  taliwas sa pahayag ng huli na tinutuglisa siya upang mapatalsik sa pwesto.

Inakusahan ni Bantag ang liderato ng DOJ nitong Biyernes ng maling pagdidiin sa kanya sa pagpatay sa broadcaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa at inmate na si Crisanto “Jun” Villamor, ang umano’y middleman sa pagpatay.

“Nobody wanted the evidence to point to Bantag. It was not good news when the evidence started to point to the respondents,” ani DOJ spokesperson Mico Clavano sa press briefing nitong Biyernes.

Naghain ang Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police, at National Bureau of Investigation filng ed murder complaints laban kina Bantag, BuCor Deputy Security Officer Ricardo Zulueta, at anim pang persons deprived of liberty na iniuugnay kay Villamor.

Kinumpirma ni Clavano ang sinabi ni Bantag na naghain siya ng courtesy resignation sa pagsisimula ng Marcos administration.

“However, (DOJ) Secretary (Jesus Crispin) Remulla showed his outright support and insisted that the Director General remain in his post under the new leadership,” ani Clavano.

Kasalukuyang nasa Geneva, Switzerland si Remulla para sa Universal Periodic Review ng United Nations Human Rights Council.

“Before all these happened, the relationship between Remulla and Gerald Bantag was strong and healthy,” sabi ni Clavano. “They discussed reforms with each other, they planned operations together, they set free many persons deprived of liberty together.”

Sa panayam kay Bantag, muli niyang itinanggi ang pagkakadawit sa pagpatay, na batay sa mga imbestigador ay maaaring nag-ugat sa serye ng exposes ni Mabasa sa iregularidad at ill-gotten wealth.

Inilahad ni Bantag na ipinakita niya ang video ng expose kay Remulla upang humingi ng payo sa kanya kung anong dapat gawin.

Sa huli, sinabi ni Bantag na napagdesisyunan niyang balewalain na lamang ito dahil hindi naman umano ito totoo. RNT/SA