Pagdidirek ni Bernal, pasado sa Malakanyang

Pagdidirek ni Bernal, pasado sa Malakanyang

July 24, 2018 @ 6:05 PM 5 years ago


Manila, Philippines –  Tila  mas nagustuhan ng Malakanyang ang directorial style ni Director Bb Joyce Bernal sa katatapos lamang na  ikatlong State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ani Presidential spokesperson Harry Roque, mas na-appreciate ng taumbayan ang ginawa ni Direk Joyce na less close ups sa mukha ng Pangulo at walang maraming pictures na ipinapakita habang nagsasalita ang Punong Ehekutibo.

Para aniya sa mas nakararami ay ‘better SONA’ ang ikatlong SONA ng Pangulo kumpara sa unang dalawang SONA nito.

“Well, I think there were less close ups of the President’s face. And there was more pictures ‘no shown as a President was speaking ‘no. And I think by and large I’ve—I did not read all the newspapers in detail but I scanned through them, I think by and large, the view of the commentators is that this was a more understandable and better SONA compared to the earlier SONAs delivered by the President, At least judging from how I scanned the newspapers today,” aniya pa rin.

Sa ulat, aminado si Bb. Joyce Bernal na dumaan siya sa hirap sa pagdirek ng SONA ni Pangulong Duterte.

Gayunpaman, ipinagmalaki naman ni Bernal ang naging istilo niya kung saan 19 camera set-up ang kaniyang ginamit sa produksiyon.

“Nakaka-tense talaga. Kay Direk Brillante [Mendoza], inserts niya lang ay black and white eh, kami naman po color…Tiningnan din namin talaga ‘yung framing ng Presidente na maganda. Hindi ‘yung framing ng mukha niya kundi ‘yung interaction niya with the people,” ani Bernal.

Angat din ang bagong lighting para sa Pangulo sa tulong ng cinematographer na nakatrabaho na nina Daniel Padilla at Piolo Pascual.

“May beauty light tayo sa podium na wala pa ‘atang gumagawa du’n. Na-try namin soft light sa kaniya para maaliwalas,” ayon sa cinematographer na si Zech Joseph Sycip.

Ang hindi lang umano nagawa ni Bernal ay ang makakuha ng drone coverage dahil bawal ito sa seguridad ni Duterte.  (Kris Jose)