Pagdinig sa kaso ni Vhong, maaatraso!

Pagdinig sa kaso ni Vhong, maaatraso!

January 9, 2023 @ 9:16 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Dapat sana’y nakatakda sa February 16 ang pagdinig sa kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Revilla sa Taguig City Regional Trial Court.

Pero mismong ang isa sa mga abogado ni Vhong na si Atty. Maggie Abraham-Garduque ang nagsabing maaatraso ito.

Ito’y sa dahilang nag-file ang kampo ni Deniece ng motion for reconsideration na naglalayong i-inhibit ang judge na naatasan sa kaso at ilipat mula sa Branch 69 sa ibang sala.

Tinutulan kasi ng kampo ni Deniece ang bail grant na ipinagkaloob kay Vhong dahil hindi raw naisumite ng kampo ng komedyante sa takdang araw ang ebidensya.

Nais ng kampo ni Deniece na isyuhang muli ng arrest warrant si Vhong.

Ayon naman kay Garduque, nasa prosekyusyon daw ang burden of proof basta’t sila raw ay nakapag-comply na sa hinihingi ng korte.

Gayunpaman, nakahanda raw sila sa isasagawang pagdinig.

Payo ng abogado kay Vhong ay magdasal ito.

Samantala, walang dudang in-enjoy ni Vhong ang kanyang pansamantalang paglaya.

Bukod sa nakapag-bonding siya sa mga dating co-members ng kanilang all-male dance group na Streetboys, naka-attend pa siya ng small Bible group nina Ogie Alcasid.

Binigyan din siya ng selebrasyon sa kinabibilangang programang It’s Showtime kung saan may mensahe pa ang kanyang misis.

Umaasa naman ang mga supporters ni Vhong na magkakaroon na ng closure ang kaso sa taong ito at papabor ang desisyon ng hukuman sa TV host.

Harinawa. Ronnie Carrasco III