Pagdinig sa krisis sa tubig: Solusyon ang sentro hindi paninisi – SGMA

Pagdinig sa krisis sa tubig: Solusyon ang sentro hindi paninisi – SGMA

March 18, 2019 @ 9:29 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Sinimulan na ngayong Lunes ng dalawang komite ng Kamara ang joint hearing ukol sa nararanasang water shortage sa Metro Manila kung saan nilinaw ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na ang imbestigasyon ay hindi para hanapin kung sino ang dapat sisihin kundi hanapan ng solusyon ang problema.

“The hearing is not to find out who’s to blame but rather how to move forward,”pahayag ni Arroyo na nanguna sa pagbubukas ng imbestigasyon na ginawa alas-7 ng umaga subalit kinailangan din na umalis agad dahil sa isang commitment sa Bohol.

Ayon kay Arroyo isa sa nakita ng mga mambabatas ay kulang ang batas pagdating sa penalty provision.

“We have to add a penalty provision for those who failed to comply with some parts of the concession agreement,”pahayag ni Arroyo kung saan maituturing na puntos naman sa Manila Water na sa umpisa pa lamang ng problema sa tubig ay inaako na nila ang pagkukulang dahil hindi natapos ang Cardona Plant sa Rizal na mapagkukunan sana ng dagdag na supply.

Paggawa ng bagong dam at rehabilitasyon ng lumang dam, nakikitang solusyon ng MWSS

Sa kanyang opening statement sinabi ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Administrator Reynaldo Velasco na isa sa kanilang nakikitang solusyon para matugunan ang kinakailangang supply ng tubig ay ang pagtatayo ng New Centennial Water Source na ang Phase 1 ay ang pagtatayo ng Kaliwa Dam na  may kakayagan na magsupply ng 600 million liters ng tubig kada araw at ang Phase 2 ay pagtatayo ng Laiban/Kanan Dam na kayang magbigay ng 1800 million liters.

Bukod pa dito ang target na rehabilitasyon ng Wawa Dam na kayang magbigay ng 500 million liters, Bayabas Dam, 350 million liters, Sumag River Diversion Project, 135 million liters,  Unutilized Water mula sa Angat na maaaring pagkunan ng 800 million liters at pagtatayo ng bagong tunnel at aquaducts mula sa Ipo dam.

Sorry sa aming pagkukulang – Manila Water

Sa naganap na pagdinig na pinangunagan ng House Committees on Metro Manila Development ni Quezon City Rep. Winnie Castelo at Housing and Urban Development ni chairman Alfredo Benitez ay humingi ng paumanhin sa kanilang mga customers si Manila Water President Ferdinand dela Cruz,aniya, inaako nila ang naging problema dahil sa kabila ng naging pangako na maibabalik na ang supply ng tubig ay mayroon pa rin lugar sa Mandaluyong ang walang supply.

Sa mga susunud na araw ay unti unti na umanong madaragdagan ang kanilang supply dahil makakakuha na ng 2 million liters kada araw ang Manila Water sa Maynilad.

Pagsapit ng Abril ay madaragdan pa ito ng 30 million liters hanggang sa tuluyang maging 50 million liters na ang maibigay sa kanila ng Maynilad na sapat para bigyan mg supply ang 50,000 kabahayan./Gail Mendoza