Pagdisiplina sa police colonel, generals ‘di saklaw ng CSC

Pagdisiplina sa police colonel, generals ‘di saklaw ng CSC

January 10, 2023 @ 10:25 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ang pamunuan ng Civil Service Commission (CSC) na hindi saklaw ng hurisdiksyon nito sa pagdidisiplina sa mga full Police Colonels at Generals, na hinamon ni Interior Secretary Benjamin Abalos, Jr. na maghain ng kani-kanilang courtesy resignations.

Ayon sa CSC, ang mga full Police Colonels at Generals ay pawang presidential appointees kaya’t ang kanilang appointment sa serbisyo ng gobyerno ay hindi pinagtitibay ng kanilang komisyon.

“The full Police Colonels and Generals from whom Secretary Benjamin Abalos, Jr. requested the tender of courtesy resignations are presidential appointees. As such, their appointments to the government service are not attested to by the Civil Service Commission (CSC), and thereby outside the purview of the CSC and its disciplinary jurisdiction,” ang bungad na saad pa sa official statement na ipinalabas ng CSC kahapon.

“In order to preserve any final determination of the issue in the proper forum, further comment on the matter may not be appropriate at this time,” dagdag pa ng nasabing komisyon. RNT