Pagdodoble ng face mask inirekomenda ng DOH

Pagdodoble ng face mask inirekomenda ng DOH

January 22, 2022 @ 9:40 AM 4 months ago


Manila, Philippines – Inirekomenda ng Department of Health (DOH) sa publiko ang pagsusuot ng dalawang face mask upang mas magkaroon ng proteksyon laban sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).

“To further prevent virus transmission and mutation, choose the right mask for additional protection. Double masking is encouraged to maximize filtration and protection,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Malacanang press briefing.

 “Kapag sinuot po natin ang surgical mask, maari po natin takpan ito ng isa pang layer and that would be our cloth mask para po appropriately fit sa ating mukha ang ating surgical mask,” paliwanag pa nito.

Samantala, maaari naman aniyang isuot ng publiko ang N95 o KN95 face mask.

Ngunit may kaakibat namang paalala ang opisyal ukol dito.

“Kung maari maireserba natin ang ganitong mask sa ating healthcare workers para pag dumating ang punto na nagkakashortage, narereserve po natin ang mga ganitong highly technical mask para sa kanila.”

Paalala pa ni Vergeire, panatilihin ang tamang pagsusuot ng face mask kung nasa mga pampublikong lugar.

“Masks should always cover your nose and mouth to ensure the most protection possible. No symptom does not mean no COVID. Always wear masks for protection.” RNT/FGDC