Pagdonate ng dugo gamit FB mas pinadali

Pagdonate ng dugo gamit FB mas pinadali

September 8, 2021 @ 9:44 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Mas pinadali na ang pamamaraan sa pag-donate ng dugo sa Philippine Red Cross (PRC) sa pamamagitan Blood Donation Feature sa  Facebook.

Ito ayon sa Philippine Red Cross sa muling paghikayat sa publiko na magdonate rate ng kanilang dugo.

Ayon sa PRC, malaki ang pangangailangan ng ligtas na dugo at produkto na mula sa dugo sa gitna ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Napag-alaman mula sa hunanitarian organization na inilunsad ng PRC, Department of Health (DOH), at Facebook Philippines ang Blood Donation tool noon pang  March 2021.

“No one should be left behind in securing sufficient and safe blood supply for its health system. Let us continue to keep the world safe and serve the vulnerable,”  saad ni red cross Chairman/CEO Sen. Dick Gordon.

” I urge more Filipinos to donate blood! The blood that you will donate today will save lives tomorrow,” dagdag pa ni Gordon na nagsabing napakahalaga ang donasyong dugo sa panahon ng pandemya.

Ang paggamit ng Blood Donation Feature sa pamamagitan ng Facebook ay ang sumusunod:

  1. Buksan ang Facebook

  2. Piliin ang ‘Menu’ o ang icon na may tatlong horizontal lines.

  3. Para sa Android users, piliin ang ‘Blood Donations’ / para naman sa iOS, piliin ang ‘See More’ saka  ‘Blood Donations’

  4. Ipapakita ng app ang pinakamalapit na blood facility base sa kasalukuyang lokasyon.

Ayon sa PRC, pagkatapos matsek ang pinakamalapit na Blood Facility via Facebood, maari nang tumawag sa Blood Service Facility para makumpirma  ang skedyul at para makapag-donate na ng dugo sa itinakdang petsa.

Apela ng red cross, magdonate ng dugo para makapaglistas ng buhay. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •