Pagdukot sa 2 aktibista sa Cebu iimbestigahan na ng CHR

Pagdukot sa 2 aktibista sa Cebu iimbestigahan na ng CHR

January 18, 2023 @ 4:50 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nagsimula na ang Commission on Human Rights (CHR) sa sarili nitong imbestigasyon kaugnay ng itinuturong pandurukot sa dalawang development workers sa Cebu.

Sa pahayag nitong Miyerkules, Enero 18, sinabi ng CHR na naglunsad na sila ng kanilang independent motu proprio investigation sa insidente na nakuhanan pa ng video.

Sa video na nag-viral, makikita sina Armand Dayoha at Dyan Gumanao, kapwa labor rights advocates, na pwersahang isinasakay sa loob ng sasakyan sa Pier 6, Cebu City noong Enero 10.

Ayon sa CHR, ang insidenteng ito ay kasunod ng serye ng harassment at pagtiktik sa dalawa mula 2020 nang maaresto ang mga ito sa kilos-protesta na dinaluhan nito laban sa anti-terrorism law.

“Any form of arbitrary, unlawful deprivation of liberty, such as illegal arrest, detention, or abduction, is also punishable by law under Republic Act (RA) No. 10353 or the Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act of 2012,” ayon sa CHR.

“We reiterate that the state must adhere to the principles and standards on the absolute condemnation of human rights violations set by various international instruments, including the International Covenant on Civil and Political Rights, and the Convention Against Torture and Other Cruel, Inhuman or Degrading Treatment or Punishment, both of which the Philippines is a State party,” dagdag pa ng Komisyon.

Bukas rin sa CHR ang imbestigasyon na ipinag-utos ng Police Regional Office sa Central Visayas.

“As we conduct our own independent investigation, CHR strongly urges law enforcement agencies to treat this case with urgency. For justice’s sake, this case must be pursued to the fullest extent of the law. Enforced disappearance is a serious human rights violation,” dagdag pa ng CHR.

Nanawagan naman ito sa mga awtoridad na manatiling bukas at patas sa nangyaring insidente.

“Perpetrators must be held accountable in the name of serving justice to all, regardless of socio-political affiliations and ideological beliefs.” RNT/JGC