Pagdukot sa babaeng Tsino sa Makati, isolated case lang- Malakanyang

Pagdukot sa babaeng Tsino sa Makati, isolated case lang- Malakanyang

December 10, 2019 @ 2:51 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Para sa Malakanyang, isolated case lamang ang nangyaring di umano’y pagdukot sa isang babaeng Chinese sa gilid ng kalsada sa Makati City Lunes ng gabi. Disyembre 9, 2019.

Magkagayon man, ang payo ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa publiko ay manatiling nakaalerto matapos ang insidente.

READ: Kidnapping sa babaeng Chinese sa Makati, iniimbestigahan na

“I think that particular incident is isolated. I have not heard of any kidnapping cases reported by the media or whether word of mouth except for the video that went viral.

We should always be alert whenever they are out. And be conscious around them if they see any suspicious men and women lurking around they should report it immediately to the police authorities,” ayon kay Sec. Panelo.

Sa ulat, iniimbestigahan ng pulisya ang pagdukot sa isang babaeng Chinese sa gilid ng kalsada sa Makati City Lunes ng gabi.

Sa isang video, maririnig ang sigaw ng babae sa loob ng gray na van na nakatigil sa Paseo de Roxas malapit sa kanto ng Perea St. pasado alas-9 ng gabi.

Nakabukas ang pinto ng sasakyan at kitang may nakalabas na mga paa habang kumaripas ang van ng takbo.

Kuwento ng testigong si alyas Michael, pilit na isinasakay sa sasakyan ng 2 lalaki ang biktima na nakasuot ng face mask.

Gusto sanang tulungan ni Michael ang babae pero natakot ito na madamay.

Ayon sa pulisya, posibleng kakilala ng babae ang mga lalaking sakay ng van.

Sinisilip ng mga pulis ang ibang kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera sa lugar para makumpirma ang kuwentong ito.

Natunton din nila ang nakitang plaka ng van, pero nakarehistro ito sa isang L300 van na walang record sa mga awtoridad.

Narekober din nila sa lugar ang isang envelope na naglalaman ng photocopies ng Chinese passports at deeds of sale ng mga sasakyan.

Aminado ang mga pulis na ngayon lang may napaulat na ganitong uri ng insidente sa lungsod, pero hindi na bago sa kanila ang mga kaso ng kidnapping ng mga Chinese.

“Ang tinitingnan namin usually na cases ay mga POGO (Philippine offshore gaming operations) o online companies na Chinese na ‘yong kanila ng employees mismo nakakagawa ng kasalanan o may mga ninanakaw sa company at iyon nga, ‘pag naisagawa na ang pagnanakaw, nagtatago na ang empleyado,” ani Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City police.

Iimbitahin ng pulisya para sa interview ang mga Chinese na nakapangalan sa nakuha nilang dokumento. Patuloy rin ang kanilang pagsuyod sa posibleng dinaanan ng sasakyan. Kris Jose