Paggalang, proteksyon ng hudikatura sa human rights, tiniyak ng SC

Paggalang, proteksyon ng hudikatura sa human rights, tiniyak ng SC

December 10, 2022 @ 3:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tininiyak ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang pangako ng hudikatura na panindigan at protektahan ang karapatang pantao.

Ang pahayag ng punong mahistrado ay kaugnay ng paggunita sa buong mundo ngayong araw, December 10, ng pagbuo ng United Nations General Assembly ng Universal Declaration of Human Rights (UDHR) noong 1948.

Iginiit ng Supreme Court na tanging pagtanggap, paggalang at pantay-pantay ang ipakikita ng buong hudikatura.

Nakasaad sa UDHR ang hindi maipagkakait na karapatan ng tao anuman man ang lahi, kulay, salita, kasarian, opinyon, at ibang estado sa buhay.

Nitong Disyembre 6 pa sinimulan ng SC ang commemoration ng Human Rights Day sa pamamagitan ng bagong marker sa lobby ng SC bilang pagkilala sa binuong UDHR.

Inihayag naman ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, chairperson ng SC’s Committee on Human Rights, ang mga balakin ng hudikatura sa 2023 para mapaigting ang karapatang pantao.

Kabilang dito ang isinusulong ng human rights committee na pag-apruba sa Writ of Kalayaan at ang pagrepaso sa writs of Amparo, habeas data, at habeas corpus. Teresa Tavares