Paggalaw sa Philippine Trench sanhi ng M6.1 na lindol – Phivolcs

Paggalaw sa Philippine Trench sanhi ng M6.1 na lindol – Phivolcs

December 6, 2021 @ 12:04 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Itinuturong dahilan ng naramdaman na Magnitude 6.1 na lindol kahapon, Disyembre 5 sa Davao Occidental at Saranggani ay ang naitalang paggalaw sa Philippine Trench.

Ito ang sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa panayam ng TeleRadyo ngayong araw, Disyembre 6.

“Ito pong gumalaw ay ang Philippine Trench. Isa po ‘yan sa ating binabantayan na posibleng magdulot ng malakas na lindol o ‘di kaya ay tsunami,” paliwanag ni Phivolcs director Renato Solidum sa isang panayam.

Matatandaan na kahapon ng umaga ay niyanig ng malakas na lindol ang nabanggit na lugar at ang epicenter ay naitala naman 336 kilometro timog silangan ng Sarangani Island. RNT